Rayver

Netizens na-impress sa ‘Sinagtala’ trailer

March 30, 2025 People's Tonight 169 views

Trailer pa lang, puring-puri na ng netizens ang pelikulang “Sinagtala,” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Matt Lozano at RC Muñoz.

“‘Di ko pa napapanood, naiiyak na ‘ko,” komento ng isang netizen sa mahigit isang minutong trailer ng pelikula sa GMA Pictures YouTube channel.

Madadala ka talaga sa istorya, acting at soundtrack.

Tungkol ito sa mga miyembro ng bandang Sinagtala na matapos magkawatak-watak ay nasadlak sa kanya-kanyang matinding problema sa buhay.

Sa trailer, makikitang nakulong si Rayver, nabuntis nang ‘di oras si RC, natuklasan ni Rhian na ampon siya at may lihim na itinatago si Matt sa tatay niya.

Tanong ng character ni Glaiza, “Ano sa tingin niyo ‘yung purpose niyo sa buhay?”

Bihirang marinig ang ganyang linya sa mainstream Pinoy films. Kadalasan, kung hindi romantic love story, action naman na puno ng paghihiganti.

Hindi tuloy napigilan ng netizens na ma-impress at ma-excite sa pelikula.

Kaabang-abang ang “Sinagtala,” dahil una, hindi gasgas ang storytelling. Pangalawa, hindi kamunduhan ang mensahe ng pelikula, ’di ba, Jun L?

Ginamit ni Direk Mike Sandejas ang trademark niyang magic ng musika para ituro sa manonood kung paano hanapin ang norte ng kanilang buhay.

Matapang nitong tinatalakay ang problema ng bagong henerasyon, at matapang pero malumanay rin nitong sinasalungat ang modernong paraan ng paghahanap sa kahulugan ng buhay.

Good job sa GMA sa pagpili ng star-studded at talented cast na nabigyan ng hustisya ang lalim ng pelikula.

Paglabas ng sinehan, hindi ka lang mae-LSS sa “Laho” OST kundi magbabago ang pananaw mo sa buhay.

Showing na ang “Sinagtala” sa mga sinehan nationwide simula April 2.

AUTHOR PROFILE