
Netizens, kinabog ang b-day greeting ni Julia para kay Coco
Simple at tipid ang pagbati ni Julia Montes sa long-time boyfriend na si Coco Martin sa kaarawan nito last Nov. 1.
Nag-post lang si Julia ng reel at photo ni Coco sa Instagram at sa caption ay nilagyan lang niya ng emojis.
‘Kaaliw nga na mas mahaba pa ang greetings ng netizens at celebrities sa comment section.
Pero siyempre, super-kilig pa rin ang mga CocoJuls fan na naghihintay ng greetings ng aktres sa BF.
Kahapon (Nov. 2) lang din kasi ito nai-post ni Julia.
“’Eto na sya!!! Grabe di ako nakatulog kakahintay ng post mo bebe. Happy birthday again direk @cocomartin_ph. Wishing you good health & more blessings para ma blessed mo pa ang iba,” komento ng isang CocoJuls fan.
“Simple but sweet. Love it,” reaksyon naman ng isang netizen.
“Inaabangan ko to !!!! Love you cocojul. Happy birthday po Mr. Coco Martin,” sey ng isa pang fan.