
Netizens kinabahan sa black and white posters nina Gary V at Ice
PINAGPIYESTAHAN ng netizens ang posters nina Gary Valenciano at Ice Seguerra para sa kanila-kanilang concert.
Ipinost nina Gary and Ice sa kani-kanilang Instagram ang poster ng kanilang concert na gaganapin sa August at September, respectively, at talaga namang nag-react nang husto ang netizens sa black and white photo ng dalawang OPM artists.
Ayon sa netizens kinabahan sila dahil akala nila ay kung ano na ang nangyari kina Ice at Gary dahil sa B/W photo ng mga ito.
Narito ang ilang komento ng netizen sa poster ni Ice:
“Muntik na ako mg R.I.P.
“Sinong nag edit neto kakausapin lang po.”
“Bakit naman Black and White .”
“Sobrang kinabahan ako sa poster mo Ice….”
“Ice kaloka palitan mo yan kala ko ano na nangyari sayo.”
Pati ang anak ni Gary V. na si Paolo Valenciano ay nagkomento at tawang-tawa rin siya.
“HAHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHA @garyvalenciano trendsetter !!!!!!!” ani Paolo.
Sa Reddit.com naman ay may netizen na nag-post ng poster ni Gary at caption nito, “Sino gumawa ng poster ni Gary Valenciano??? Akala ko kung ano na nangyari sa kanya.”
Komento ng isang netizen, “hahaha nothing’s wrong naman pero parang nasa isip na talaga natin pag black & white eh nadeads na.”
Sey pa ng isa, “PSA sa mga graphic artist/social media handler please lang do not use black and white/grey scale for any collaterals. Nlklk kayo. Sepia na lang lmao.”
Hinala ng netizens ay isang artist lang ang gumawa ng mga poster nina Ice at Gary V. dahil magkapareho ang konsepto ng mga ito.
Tila nakinig naman si Mr. Pure Energy at ang management niyang Genesis Entertainment sa mga comment ng netizens dahil pinalitan na nila ang poster ng concert ni Gary.
Colored na ang poster at makikita si Gary in his usual energy na tumatalon.
“Ayan mas ok hindi yung una,” sey ng isang netizen.
“Kinabahan po ako s first poster, was like ‘pls nooo bait pa nmn neto’ hay but now I know may concert coz of that poster hahaha,” komento ng isa pa.
“Buti pinalitan nyo ang post. Kinabahan ako akala ko kung ano na nangyari,” sabi naman ng isa pang fan.
“Salamat po sa revision, tito Gary… tito Garyyyy?!!” reaksyon ng isa pa.