Dombea

Netizens, boto sa relasyong Bea-Dominic

August 6, 2021 People's Tonight 432 views

KUMALAT ang bagong kilig photos ng rumored celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa social media kahapon.

Ipinost kasi ni Dominic sa kanyang Instagram account ang mga picture nila ni Bea kaya nagpista ang online sites para i-grab ito.

May litrato silang nakaupo na magkatabi sa isang park sa Napa City, California at tila nagtititigan naman ang dalawa sa isang picture.

“Lover,” ang simpleng caption ni Dom.

Komento naman ni Bea sa post, “Hi!!!”

Parang boto naman sa kanila ang netizens sa sweetness nila, huh!

Sa totoo lang, maging si Bea ay may sariling post na pics sa IG.

Abangers na lang ang mga tao sa pag-amin nina Bea at Dominic sa relasyon nila, huh!

BLESSING IN DISGUISE

Dave & AraBLESSING in disguise ang pagiging late ng five minutes ni Ara Mina sa isang basketball event na in-organize ng asawa niya ngayong si Dave Almarinez.

Eh, dahil late, nagkaroon ng chance na makapagkuwentuhan sina Ara at Dave.

“That’s how everything started,” sabi ni Dave.

Ilang araw at linggo ang lumipas bago naging textmates ang dalawa.

“Pero persistent siya kahit pandemic hanggang naging exclusively dating na kami,” sey pa ni Ara.

Naiintidihan naman ang schedule ni Ara ni PITC Undersecerary Almarinez.

Pero nagkagaanan sila ng loob hanggang yayain niya si Ara na mag-date.

Pero sa unang date nila ni Ara, sa simbahan sa San Pedro City niya ito dinala, kay Lolo Uweng sa Landayan.

“It’s not a typical date that I’ve done,” sabi ni Dave.

At ngayon nga, mag-asawa na ang dalawa at masayang nagsasama, huh!

Kailan kaya ang baby?. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE