Rufa

Netizens, abangers sa ABS-CBN Ball look ni Ruffa

September 29, 2023 Ian F. Fariñas 501 views

ABANGERS ang marami sa isusuot ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN Ball na gaganapin bukas, Sabado ng gabi, sa Shangri-La Makati.

Maraming netizens ang naku-curious sa magiging paandar ng dating beauty queen-actress lalo pa nga’t eksenadora ang simple pero eleganteng black gown na isinuot ni Ruffa sa joint celebration ng 57th birthday at 50th showbiz anniversary ni Senator Bong Revilla sa Okada Manila kamakailan.

Sa mga nag-uurirat sa ABS-CBN Ball outfit niya, isang napaka-sweet na ngiti lang ang sagot ni Ruffa.

Ang balita, nag-fitting na ang aktres sa shop ng pamosong designer na si Rajo Laurel. Pero hanggang ngayon, sikreto pa ang detalye ng gown tulad ng design at color nito.

Ang sey lang ni Ruffa, “Just wait! But I’m excited to attend. Actually I’m invited to so many events but I hardly go to any of them because I’m super busy taking up my masters in Communication Arts at PWU, busy with tapings and I also have a new secret show that I taped that will air beginning of 2024.”

Nang hiritan ng isang kaibigan kung mas seksi ba ang ABS-CBN Ball gown niya’t may ipapakita ba siyang skin, tugon ng aktres, “Hahaha! Secret! Just wait and see sa event na mismo.”

Anyway, bukod sa secret project na ilalabas sa 2024, kasama rin si Ruffa sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano.

AUTHOR PROFILE