BBM

National state of calamity sa El Niño? OA para kay PBBM

April 8, 2024 Chona Yu 290 views

BACOLOD CITY–Overacting (OA) at nonsense para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suggestion na magdeklara ang pamahalaan ng national state of calamity dahil sa El Niño.

Sa panayam sa syudad na ito na itinuturing na sentro ng negosyo sa Region 6, sinabi ni PBBM na iba-iba ang sitwasyon sa bawat lugar.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos magdeklara ng state of calamity ang ilang lugar dahil sa matinding tagtuyot.

Maliban dito, sinabi ni Pangulong Marcos na may mga kaparehong deklarasyon ang ilang lokal na pamahalaan at hindi niya nakikita ang pangangailang itaas ito sa national level.

“Hindi ito, iba-iba ang problema sa bawat lugar eh. Hindi naman pwedeng shotgun lang, one size fits all no. It has so, we look at each area and see what it is that they need.

So, that’s what we are, that’s the way we are handling local state of calamity that the local governments are declaring,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ipinunto pa ni Pangulong Marcos na may mga interbensyon na ring ginagawa ang pamahalaan tulad ng pagpapalawak ng mga irigasyon at iba pa, bukod sa magkaiba nga aniya ang kinakaharap na problema na may kinalaman sa El Niño sa iba’t-ibang mga lugar.

AUTHOR PROFILE