Crime

Nasibak na parak tepok sa pamamaril

June 24, 2024 Edd Reyes 106 views

TEPOK ang 40-anyos na nasibak na parak ng pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Caloocan City noong Sabado.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan Medical Center (MCM) si alyas Christian, dating naka-assign sa Malabon Police dahil sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Dakong alas-4:20 ng umaga ng sitahin at hingin ng dating pulis ang lisensiya ng isa sa suspek na sakay ng Mio Motorcycle (8162-UO) sa A. Mabini St., Brgy. 15.

Habang tinatanong ng biktima ang suspek na si alyas Jay, 27, kung ano ang ginagawa nito sa Libis Nadurata St., biglang sumulpot ang kasama nito na naka-helmet at pulang t-shirt at pinagbabaril ng ilang ulit ang dating parak.

Nakatawag pansin sa mga residente ang pangyayari kaya’t nagpasiyang tumakas patungo sa 10th Avenue ang mga suspek at iniwan ang kanilang motorsiklo.

Ayon sa isang dating kasama sa serbisyo ni Christian, nasibak sa tungkulin ang biktima dahil nag-AWOL (absent without official leave) sa kasagsagan ng Oplan Tokhang.

AUTHOR PROFILE