
‘NASAAN NA NGA BA SI QUIBOLOY?’
“NASAAN na nga ba si Quiboloy?
Ito ang mariin na tanong ni Sen. Risa Hontiveros, chair ng Senate on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, at nag=isyu ng subpoena sa kontrobersiyal na preacher na tinawag din “appointed son of God” sa ilalim ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Carreon Quiboloy.
Si Quiboloy ay nang i-snub sa ginanap na imbestigasyon sa Senado noong Martes sa gitna ng mga reklamong kinakaharap nito na siyang naging ugat ng imbestigasyon sa Senado tulad ng rape at marami pang kasong inihain laban sa kanya.
“Naghahanda na kami Quiboloy. Magpakita ka na.” Ito ang hamon na binitawan ni Hontiveros matapos nag no-show si Quiboloy sa naganap na imbestigasyon sa Senado noong Martes.
Si Hontiveros na nakilala din bilang tagapagtanggol ng maraming kababaihan at may adbokasiyang lumaban sa mga babaeng inaabuso at minamaltrato ay nagsabing hindi umano dapat matakot ang mga naabuso ng mga tulad ni Quiboloy bagkus ay ininganyo niya ang mga ito na tumayo at lumaban para sa kanilang karapatan.
“Hindi po tamang matakot tayo kung tama ang ating ipinaglalaban. Walang mahina kapag tama ka at nasa katuwiran,” ani Hontiveros.
Pinaalalahanan din ni Hontiveros si Quiboloy na ihanda ang sarili, harapin at sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya kung totoong wala siyang dapat katakutan at itago sa lahat ng diumano ay mga ginawa niyang mali .
“Handa na ba siya? Kung handa na, magpakita na siya sa Senado,” hamon ni Hontiveros kay Quiboloy.
Si Hontiveros ay nagpadala na umano ng dalawang imbitasyon kay Pastor Quiboloy sa pamamagitan ng LBC at registered mail.
“Siya po ang sentro ng mga paratang ng mga biktima kaya siya ang dapat sumagot, ” giit ni Hontiveros.
Noong nakaraan taun ng Dec. 11, si Hontiveros ay pormal na nag-file ng Senate Resolution No.884, kung saan ay nagbigay siya ng direktiba sa nasabing komite na imbestigahan ang tinatawag na large-scale human trafficking, rape, sexual abuse and violence na kinasasangkutan ng KOJC.
Gayundin, sinabi ni Hontiveros na dapat lamang aniyang makialam at hiningi niya rin ang koordinasyon ng Department of Justice (DOJ) upang masiguradong hindi makalalabas ng bansa si Quiboloy sa gitna ng mga reklamo nakahain laban dito.
“We are also looking at the DOJ issuing an immigration lookout or hold departure order. Magpapadala ako ng pormal na sulat para sa mga ito,” ani Hontiveros kung saan ay giniit din ng senadora napapanahon na para prangkahan aniyang sagutin ng harapan at mukha sa mukha ni Quiboloy ang mga nag aakusa sa kanya para mapatunayan kung ano talaga ang totoo.
“The subpoena has been issued by the Senate Committee on the competent exercise of its legal mandate, so Quiboloy, magpakita ka na,” giit ni Hontiveros.
Matatandaan na ang unang nagreklamo sa pastor ng KOJC ay si Ms. Arlene Caminong Stone, na nagpakilala dating rin miyembro ng nasabing relihiyon at kung saan ay naglahad ng mga pang aabuso na kanyang naranasan sa ilalim ng pamumuno ni Quiboloy at KOJC.
Gayundin din si Alias Jerome, na nakaranas aniya ng corporal na paraan ng pagpaparusa.
Ang luhaan naman na si Alias Amanda ay tumestigo sa harap ng komite kung paano siya inabuso umano ni Quiboloy noong 16 taong gulang pa lang siya.
Bukod kay Alias Amanda, ay ipinakita rin ang testimonya sa video ng dalawang Ukranian na umamin din na sila ay nabulag at pinagsamantalahan umano ni Quiboloy gamit ang pangalan ng Diyos.
Ito ay sina alias Sofia at alias Nina.
Sinabi naman ni Alias Nina, na isa rin sa mga biktimang Ukranian na si Quiboloy mismo ang pumili sa kanya para maging pastoral.
Si Quiboloy ay kilala bilang isang spiritual adviser ng dating Pangulong si Rodrigo Duterte at sinasabing matalik din nitong kaibigan.
Base sa mga ulat, si Quiboloy ay may mga kinakaharap na kaso sa US Federal Bureau of Investigation sa mga diumanoy krime tulad ng sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy and bulk cash smuggling.
Sa mga opisyal naman na pahayag ni Quiboloy, sinabi nito puro kasinungaling lamang sa pamamagitan ng Demonyo ang mga gawa gawa akusasyon sa kanya.
Tahasang din nitong sinabing hindi siya haharap sa anumang hearing ng Senado at hindi niya bibigyan ng anumang pansin ang mga imbestigasyon nito .
Sinabi ni Quiboloy na mas makabubuti pa aniya samahan na lamang ni Hontiveros ang mga nagbibigay ng akusasyon laban sa kanya sa tamang korte at dito aniya siya haharap at sasagot sa tamang panahon.
“We must know the truth but not in your Senate hearing but in a court of law,” ani Quiboloy.