
Nangadyot ng 62-anyos, timbog
NASAKOTE ng mga pulis ang suspek sa pananaksak sa 62- anyos na pedicab driver sa Cayco St., Sampaloc, Maynila noong Lunes.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc si Carlito Cansino matapos saksakin ng naarestong suspek na si Alejandro Quequegan.
Base sa ulat, bandang alas-6:15 ng umaga nang masaksak ang biktima sa eskinita sa Brgy. 433.
Nagulat na lang ang ilan nilang kasamahan ng magkaroon ng pagtatalo at palitan ng maaanghang na salita mula sa suspek at ang biktima.
Inakala ng mga nakasaksi na magtatalo lamang sila subalit nagulat na lamang sila ng biglang bumunot ng patalim at sinaksak ang biktima.