Default Thumbnail

Namaril, nanutok, nanapak wanted sa Batangas cops

January 4, 2024 Jojo C. Magsombol 176 views

HINA-HUNTING ng mga pulis ang suspek na kinilalang si alyas Luis na nanutok, nagpaputok, nanapak at nag-iingat ng mga baril sa Brgy. Dilao, Balayan, Batangas mula pa noong Martes.

Nabiktima ng panunutok sina John King Matthew Manalo Beadoy, Felixberto Ilagan Beadoy, Jr., at Teddy Rodriguez Alindugan, residente ng naturang barangay.

Base sa report, dakong alas-4:00 ng hapon pumunta sa Balayan police station ang isang biktima para i-report na sinuntok siya sa tiyan ng suspek bandang alas-7:00 ng gabi noong January 1, 2024.

Pumunta din sa opisina ng barangay sa kung saan nakaduty ang dalawang biktimang tanod ang suspek.

Ayon sa mga tanod kasama pa ng suspek ang kanyang asawa at nakitang may sukbit na baril at nagpaputok pa ng isang beses.

Mabilis na sumugod si Ilagan subalit tinutukan siya ng baril ng suspek. Sinunggaban ng isa pang tanod ang suspek para disarmahan pero nauwi sa suntukan.

Ilang sandali pa at naawat ang dalawa ng ibang mga tanod at umalis na ang mag- asawa.

Bandang alas-8:00 ng gabi, bumalik ang suspek sa lugar at tinutukan ng baril si Rodriguez pero hindi pumutok ang baril.

Muling napayapa ang sitwasyon at umuwi ang suspek at nagtatago na ngayon sa di malamang lugar.

Isinurender ng asawa nito ang isang cal.38 revolver at isang cal. 45 na may apat na bala.

Napag-alaman sa report na isa sa mga baril ang di-umano’y ginamit ng suspek kay Bgy. Chairman Brendo Evangelista ng nabanggit na barangay.

AUTHOR PROFILE