Heaven Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo

Nalaglag na strap ni Heaven pinagkaguluhan

March 12, 2024 People's Tonight 144 views

ISANG anghel na napadpad sa lupa ang tingin ng netizens sa aktres na si Heaven Peralejo.

Petmalu ang ibinanderang alindog ng ‘Nanahimik ang Gabi’ actress sa kanyang latest Instagram post.

Tumambad sa netizens ang kaakit-akit na porma ni Heaven sa ilang larawang kanyang in-upload.

Sumirit ang kaseksihan nito sa kanyang pose habang nasa couch. Kabogera ang pagpapasilip nito sa nalaglag na strap ng kanyang suot na white dress.

Sigaw ng netizens kay Heaven ay isa siyang “anghel sa lupa.”

Tila nagliyab ang kanyang comment section dahil sa komento ng mga netizens na ang sabi ng ilang ay: “Summer na nga!” “Heavenly,” “Beautiful and hottie,” at “Anghel sa lupa.”

AUTHOR PROFILE