
NAKALABAS NA NG HOSPITAL SI PAVITHRA MANI
NAALALA n’yo ba si Pavithra Mani?
Siya iyong 24-taong gulag na Filipino-Indian national na nahagip ng rumaragasang train noong nakaraang buwan.
Nawalan siya ng malay at ilang araw ding naratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center.
Bukod sa sobrang pag-aalala ng kanyang pamilya kung mabubuhay pa ang dalaga, labis-labis din ang kanilang problema sa pangtustos sa gastusin sa mamahaling hospital.
Mabuti na lang at may isang pilantropo na agad sumaklolo sa kanila. Ito’y walang iba kundi ang palagi nating naisusulat na si Manjinder ‘James’ Kumar, presidente ng Filipino Indian Commerce and Welfare Society Inc. (FICWSI).
Abot-langit ang pasaslamat nila sa tulong na ibinigay ni Kumar dahil kung hindi ay baka tuluyan nang iwan ni Pavinthra ang kanyang pamilya.
Base sa huling impormasyon na nakalap ko, nakalabas na si Pavithra ng hospital at maaari na ulit bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kinukuhang kurso sa medisina.
Nakatutuwa ang mga impormasyong ganito. Araw-araw na lang nating nababasa natin sa media — mainstream, broadcast at social media — ang mga krimen, korapsiyon, intriga at awayan ang ating nababalitaan.
Habang sa mga sampling pangyayari sa isang lugar ay mayroon naman tayong kababayang Fil-Indian na tahimik lamang tumutulong sa tabi.
Sa puntong ito, hindi lamang si Mr. Kumar ang gusto nating batiin, kundi pati na rin si Pavithra at kanyang pamilya.
Ikalawang buhay na ang ibinigay sa iyo ng Panginoong Diyos, Pavithra. Tulad ng nakararami, naniniwala tayong may iba ka pang misyon sa mundo kaya binigyan ka ng ikalawang pagkakataon para mabuhay.
Naniniwala akong są kabutihang natanggap mula kina Kumar, gayundin ang mula sa mga hospital staffs, nurse at doktor ng Makati Med ay magsilbi itong gabay para magbigay ng sukli ng kabutihan sa ating mga kababayan.
Huwag na huwag ding makalimot magpasalamaat palagi sa ating Panginoon.
Muli, congrats Pavithra and mag-iingat lagi.
KUNG ANONG PUNO, SIYANG BUNGA
Samantala, kung anong kabutihan at kabayanihan ang ginagawa ni James Kumar ay ganito na rin ang ginagawa ng kanyang mga anak.
Kamakailan ay nagtungo sina Tristan at Cassandra Kumar sa Soldiers Hills Elementary School sa Bgy. Putatan, Muntinlupa City.
Ito’y bilang pagsalubong sa ‘Balik Eskuwela 2023’ ng ating kabataan.
Namahagi sila ng school supplies, damit at pagkain sa mga mag-aaral ng Soldiers Hills Elementary School.
Labis-labis ang kasiyahan at pagpapasalamat ng naturang eskuwelahan sa pamilya Kumar.
Sinabi nina Tristan at Cassandra na tunay na kakaiba ang pakiramdam kapag nakatutulong sa kapwa, lalo na są mga batang paslit.
Hindi anila sila mananawala na mamamahagi ng tulong sa abot na kanilang makakaya.
Sa isang Facebook post, pinasalamatan naman ng pamilya Kumar ang Department of Education, partikular na ang Division of Muntinlupa City dahil pinahintulutan nila ang FICWSI na mamigay ng kaunting ayuda.
Sadyang naisasabuhay ang tema ng Brigada Eskuwela ngayon na ‘Bayanihan para sa Matatag na Paaralan,’
Sina Tristan at Cassandra ay Board of Trustees ng FICWSI.
Sumasaludo rin sila sa lokal na kapulisan ng Muntinlupa City na nagbigay ng seguridad.
PATI SA MALABON CITY
Kaugnay nito, namahagi naman ng vitamins at medisina ang FICWSI sa lungsod ng maalbon.
Ang FICWSI ay nirepresenta ng mga Borad of Trustees na sina happy Manila at Sarbjit Singh at sinalubong sila ng masipag na mayor ng Malabon City na si Mayora Jeannie Sandoval.