
Nakakatomboy
HINDI lang mga barako ang nahahatak ng mapang-akit na alindog ng Vivamax actress na si Jonica Lazo dahil maging ang mga kapwa niya babae ay talaga namang humaling na humaling din sa kanya.
One to sawang patakam ang mapapanood sa ibinahaging video ng sexy star sa kanyang Instagram page.
“Daddy’s home,” hirit niya sa caption ng post.
Mapapanood sa nasabing clip ang hot actress na todo-awra sa kanyang mga pose sa harap ng salamin. Ibang level kung mang-akit sa camera si Jonica na tila nang-iimbita ng mga barakong sure na sure pagpapantasyahan na naman siya.
Suot ni Jonica ang isang two-piece pink string underwear na talaga namang nagpaangat sa kanyang kurba at nagpakaway sa kanyang juicy “behind.”
Tila hipnotismo ang repleksyon ng perfect body ni Jonica sa salamin dahil ang mga kalalakihan sa kanyang comment section ay hindi magkanda-mayaw sa ibinandera niyang sex appeal. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.
Samantala, hindi nga lang mga kalahi ni Adan ang naakit ng tukso ni Zeinab dahil maging ang mga kalahi ni Eba ay bet na bet na rin siyang kagatin.
Hirit nga ng kanyang kapwa Vivamax actress na si Vern Kaye, “Sh*t, tomboy na ata ako.”
Wish naman ng mga tagahanga niya, more Vivamax films para kay Jonica.
Ngayong taon nga lang ay naitampok na si Jonica sa ilang Vivamax original films kabilang na ang Balinsasayaw, Sweet Release, at TL.