Christine Larawan mula sa IG/Christine Bermas

Nakakamiss

April 8, 2025 People's Tonight 130 views

MULI ngang ipinaramdam ng Vivamax actress na si Christine Bermas ang bagsik ng kanyang kaseksihan sa digital world.

Halata ngang miss na miss na ng kanyang mga tagahanga ang ganitong paghahain ng sex appeal ng sexy star.

Sa isang Instagram post, talagang bumawi ang hot actress kaya todo bigay ang ginawa niyang pagpapatakam sa isang Instagram post.

“Heard you’ve been missing me,” sey niya sa caption.

Ibang klase ang hagod ng karisma ni Christine sa mga barako. Kinabaliwan nila ang bago niyang mga larawan. Grabe ang pagwawala nila sa kanyang comment section.

Tanaw na tanaw ang glowing morena skin ng bebot sa mga larawan. Mula paa hanggang mukha, sure na nanaising simutin ang kanyang alindog ng mga kalahi ni Adan.

Nariyan pa ngang may papikit-pikit si Christine sa isang larawan na animo’y sinasapian ng sarap habang itinataas ang suot na sando. Lasap na lasap tuloy ng mga male fans ang rapsa niyang linamnam kahit sa picture lang.

Maging sa comment section ay hindi lang mga Pinoy na followers ang pumuri sa karisma ng sexy star, maging ang ilang foreigners ay napahanga rin ni Christine.

Bukod sa mga bagong palabas, unang nakilala si Christine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Beyond the Sky (2022), Nightbird (2023) at Island of Desire (2022).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar