
Nakaka-wet
KAHIT nga walang bakas ng anumang tubig sa larawan, sagad ang pagkauhaw ng mga kalalakihan sa tumambad na katawan ng Vivamax actress at social media sensation na si Ayanna Misola.
Nakaka-“ooh la la” ang takaw-pansin na kaseksihan ng sexy star sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram.
Kahit na sino nga ay matutulala sa ganda ng wangkata ni Ayanna, lalo na’t labas ang pigura nito sa suot na bikini.
Mula sa kanyang mukha, kilikili, at sa lahat ng kasingit-singitan, walang bahid na anong kadiliman ang katawan ng hot actress. Reyna ng kakinisan ang atake sa inilatag niyang patakam.
“Face card will never decline” nga ang atake ng ganda ni Ayanna. Effortless niyang ibinida ang no makeup at kaakit-akit na look.
Grabe rin kung makatitig ang bebot. Kahit na sinong barako ay paniguradong sapul ang atensyon kapag napadaan sa kanyang mga larawan.
Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Ayanna, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.
Nakilala si Ayanna sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bula (2022), Two Weeks, End (2022) at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (2022).