
Nagpapayakap
PARA ngang kupido ang Vivamax actress na si Angelica Hart nang sapulin niya ng kanyang rumaragasang kaseksihan ang mga kalalakihan sa social media.
Napana ang puso at libido ng mga barako dahil muli na namang nagpaulan ng kanyang matalim na alindog ang sexy star sa Instagram page nito.
Nagbahagi ng ilang larawan si Angelica kung saan masisipat ang taglay niyang kakinisan sa suot na blue two-piece string bikini.
Bidang-bida rin ang singit ng Vivamax actress. Nakaabang na nga ang mga kalahi ni Adan para masilayan ang hiwa ng langit ng isang Eba.
Wala ngang bahid na anong kadiliman ang ibinalandra niyang makatas na sex appeal. Nag-ala kutis gatas ang balat nitong tiyak na bet na bet ng mga barakong ialmusal sa umaga at laklakin sa gabi bago matulog.
Nanlalaban din ang “face card” ni Angelica. Dyosa ang atake ng kanyang beauty, talagang kering mamingwit ng atensyon ng mga kalalakihang bumibisita sa kanyang social media pages.
Umagos naman ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng alindog ni Angelica. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.
Nakilala si Angelica sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Sip (2023), Bisyo! (2023) at Secret Campus (2023).