Paltik PALTIK–Ang narekober na paltik na shotgun ng mga pulis ng MPD mula sa suspek na nagwawala at naghamon ng away sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Naghamon ng away na may paltik, nasakote

May 14, 2024 Jonjon Reyes 130 views

LAGLAG sa mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Police Station 7 ang isang feeling siga na nagwala at armado ng sumpak na shotgun sa Daang Bakal malapit sa Hermosa St., Brgy. 200, Zone 18, Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspek sa alyas ” Archie” binata ng naturang lugar.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Rommel Alfaro, bandang alas-12:15 ng hapon ng maispatan ng mga pulis si alyas Archie, 44, na naghahamon ng away habang dala ang paltik na boga.

Narinig ng mga pulis ang lalaki na nagsisisigaw ng “Put ..ina n’yo mga ul*l, mga hay*p ,lumabas kayo mga gag*. Kung sino matapang para magkaalaman kung sino ang siga dito ,mga dem*ny* kayo.”

Nilapitan at kinausap ng mahinahon ang lalaki hanggang sa madis-armahan at narekober ang paltik na may isang bala ng de sabog.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 RPC (Alarms and Scandals) at sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) ang suspek.

AUTHOR PROFILE