
Nagbabaga
AYON nga sa netizens, nagbabaga ang katawan ng isa sa pinakabagong bombshell ng Vivamax na si Mariane Saint.
Sinalubong ng kanyang sumisirit na kaseksihan ang netizens nang mag-post ang newest sexy actress ng mga pasabog na larawan sa kanyang Instagram page.
Nagliliwanag ang makamandag na hubog na meron ang Eba na tulad niya. Enjoy sa view ang mga kalahi ni Adan habang suot ng bebot ang pulang two-piece string bikini.
“When in doubt, wear red,” saad ni Mariane sa caption ng kanyang post.
Ready na sa luhuran ang Vivamax actress sa pose nito. Litaw na litaw ang hubog niyang sure na nambubulabog dahil sa pagka-perpekto.
May pasarap factor ang sex appeal na inihahain ni Mariane sa post. Tiyak na aabangan ng dumadami pa niyang male fans ang kayang ipakita ng hot actress na tulad niya.
Ang kalalabas pa lang na Vivamax original film na ‘Top 1’ ang acting debut ni Mariane sa nasabing subscription based, video on-demand app.
Sa direksyon ni Artemio Abad ang nasabing pelikula. Kasama ni Mariane, tampok din dito ang iba pang sexy stars katulad nina Armani Hector at Christy Imperial.
Sa comment section nga ng nasabing post ay pinuri si Mariane dahil sa husay ng kanyang performance sa nasabing pelikula. Top 1 nga sa kanila ang pagiging bagong pantasya niya.