Posas

Nag-hide-seek after manghalay, timbog

September 1, 2023 Edd Reyes 414 views

NAGBUNGA ang inilunsad na manhunt ng pulisya laban sa lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa dalawang taon na ang nakalilipas matapos masukol Huwebes ng tanghali sa Makati City.

Nahuli si Mark Lester Serrano, 31, nang magsanib puwersa ang Poblacion Police Sub-Station ng Makati police, Warrant and Subpoena Section (WSS) at 1st Mobile Force Company-Regional Mobile Force Battalion (MFC-RMFB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakorner ng mga pulis si Serrano dakong alas-12:30 ng tanghali sa P. Gomez at San Mateo St. sa Brgy. Poblacion habang palakad-lakad sa lugar.

Hindi na nakapalag si Serrano nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Robert Victor Consunji Marcon ng Family Court Branch 3 ng Makati Regional Trial Court (RTC).

Pansamantalang nakakulong sa Custodial Facility ng Poblacion Police Sub-Station ng Makati Police si Serrano.

AUTHOR PROFILE