Nadine Si Nadine Lustre (kaliwa) at Janine Gutierrez. Screenshots mula sa trailer ng ‘Greed’ at ‘Ngayon Kaya’/YouTube

Nadine, Janine 4x nominee na sa FAMAS; parehong nominadong ‘Best Actress’ ngayong taon

August 3, 2023 Ian F. Fariñas 299 views

ANG mga nominado para sa ika-71 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards, na magaganap sa Manila Hotel sa Agosto 13, ay inanunsyo nitong Martes, Agosto 1.

Kabilang sa mga nominado sa nasabing parangal ngayong taon ay sina Multimedia Princess at MMFF 2022 Best Actress Nadine Lustre para sa pelikulang ‘Greed'(2022) at si ‘Dirty Linen’ star at 43rd Gawad Urian Best Actress Janine Gutierrez para naman sa pelikulang ‘Ngayon Kaya’ (2022) sa kategoryang Best Actress.

Parehong ikaapat na beses na nominasyon na ito ng dalawang aktres para sa FAMAS Awards.

Naging nominado rin si Nadine sa parehong kategorya noong 2016 para sa pelikulang ‘Para sa Hopeless Romantic’. Naiuwi naman niya ang titulo noong 2019 para naman sa pelikulang ‘Never Not Love you’. Para sa ikatlong nominasyon sa kategorya ng FAMAS Awards, nominado ang singer-actress para sa pelikulang ‘Ulan’ noong 2020.

Sa kabilang banda, nominado at naiuwi ni Janine Gutierrez ang parangal sa FAMAS na German Moreno Youth Achievement Award noong taong 2014. Nominado at itinanghal na panalo bilang Best Actress para sa pelikulang ‘Babae at Baril’ noong 2020 ang aktres. Sa parehong kategorya ay nominado rin siya noong nakaraang taon, 2022 sa pelikulang ‘Dito at Doon’.

Kasama ng dalawang award-winning actress sa kategoryang ito ngayong taon sina Liza Lorena para sa pelikulang ‘Family Matters’, Heaven Peralejo para naman sa ‘Nanahimik Ang Gabi’, at si Sheila Francisco para sa pelikulang ‘Leonor Will Never Die.’

Maglalaban-laban naman para sa kategoryang Best Picture ang mga pelikulang Family Matters, Blue Room, Leonor Will Never Die, La Traidora, at Deleter.

Samantala, ang mga napabilang naman sa nominasyon bilang Best Actor ay sina Paulo Avelino (Ngayon Kaya), John Arcilla (Reroute), Diego Loyzaga (Greed), Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi), at Noel Trinidad (Family Matters).

Narito ang buong listahan ng mga nominado para sa iba pang kategorya:

Best Director
• Nuel Naval (Family Matters)
• Mikhail Red (Deleter)
• Ma-an Asuncion-Dagñalan (Blue Room)
• Alejandro Ramos (La Traidora)
• Martika Escobar (Leonor Will Never Die)

Best Supporting Actress
• OJ Arci (La Traidora)
• Nikki Valdez (Family Matters)
• Louise delos Reyes (Deleter)
• Mylene Dizon (Family Matters)
• Nour Hooshmand (Blue Room)

Best Supporting Actor
• Soliman Cruz (Blue Room)
• Nonie Buencamino (Family Matters)
• Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi)
• Sid Lucero (Reroute)
• Rocky Salumbides (Leonor Will Never Die)

Best Screenplay
• Mel Mendoza del Rosario (Family Matters)
• Martika Escobar (Leonor Will Never Die)
• Abet Raz/Alejandro Ramos (La Traidora)
• Ma-an Asuncion-Dagñalan (Blue Room)
• Nikolas Red/Mikhail Red (Deleter)

Best Cinematography
• Carlos Mauricio (Leonor Will Never Die)
• Ian Alexander Guevara (Deleter)
• Joshua Reyles (Reroute)
• Noel Teenhankee (Family Matters)
• Neil Daza (Blue Room)

Best Production Design
• Eero Yves Francisco (Leonor Will Never Die)
• Maolen Fadul (Blue Room)
• James Rosendal (Greed)
• Elfren Vibar (Family Matters)
• Law Fajardo (Reroute)

Best Editing
• Lawrence Ang (Leonor Will Never Die)
• Nikolas Red (Deleter)
• Beng Bandong (Family Matters)
• Vanessa de Leon (Blue Room)
• Law Fajardo (Reroute)

Best Musical Score
• Ngayon Kaya – Len Calvo
• Leonor Will Never Die – Alyanna Cabral and Pan de Coco
• Family Matters – Cesar Francis Concio
• Deleter – Myka Magsaysay-Sigua and Paul Sigua
• Blue Room – Jazz Nicolas and Mikey Amistoso

Best Sound
• Deleter – Armand De Guzman and Aian Caro
• Nanahimik ang Gabi – Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks
• Reroute – Alizen Andrade and Immanuel Verona
• Leonor Will Never Die – Corinne de San Jose
• Blue Room – Jannina Mikaela Minglanilla and Michael Keanu Cruz

Best Short Film
• Ang mga Abo (Gabby Ramos)
• Golden Bells (Kurt Soberano)
• Dosena (Kyla Romero)
• Pasan (Marvin Cabas and John Paul Dabuet)
• Isa sa Isang Dosena (Leia Reyna Pasumbal)

AUTHOR PROFILE