
‘My Love Will Make You Disappear,’ P100M na ang kinita worldwide
AYON sa isang report, kumita na ang unang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pelikulang “My Love Will Make You Disappear” sa ilalim ng Star Cinema ng P100 milyon sa worldwide box-office.
Bukod sa Pilipinas, palabas din ang pelikula ng KimPau sa iba’t ibang bansa na tinangkilik ng mga manonood, lalo na ang mga taga-Amerika at Canada kung kaya’t ang lakas nito sa takilya.
Matatandaan na nakalikom ito ng P12 milyon noong unang araw at P40 milyon naman sa loob ng apat na araw sa bansa. Hindi pa rito natatapos ang pag-arangkada ng pelikula lalo pa at napapalabas pa rin ito sa North America, Australia, New Zealand, Middle East, at piling European and Asian countries.
Nitong weekend, lumipad patungo sa US sina Kim and Paulo para magpasalamat sa kanilang fans sa three-day special screeningS sa L.A. Cinemark Carson Theater sa Los Angeles.
Pinarangalan ng California Legislature Assembly sina Kim at Paulo ng Certificates of Recognition para sa kanilang kontribusyon sa mundo ng sining at ang kanilang patuloy na pagsulong ng Asian Artistic excellence o galing ng mga Asyano sa buong mundo.
Nakatakda rin silang pumunta ng Middle East sa isang espesyal na meet and greet naman sa Reel Cinemas, Dubai Mall sa Abril 12 at 13.
Mapapanood rin ang nasabing hit movie sa Austria sa Abril 5 at Cambodia sa Abril 18.
Umiikot ang kwento ng pelikula kay Sari (Kim), isang babaeng naniniwala na siya ay may sumpa na biglang nawawala ang mga lalaking minamahal niya. Mag-iiba ang lahat ng makilala niya ang heartbroken na si Jolo (Paulo). Matapos malaman ang tungkol sa sumpa ni Sari, gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang dalaga para matakasan ang problema at tuluyan na siyang mawala.
Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Chad Vidanes. Kasama rin sa pelikula Melai Cantiveros, Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Nico Antonio, Migs Almendras, Martin Escudero, Karina Bautista, Jeremiah Lisbo, Atasha Franco, Kelsey Lasam, at Lucas Andalio.
Ang “My Love Will Make You Disappear” ay palabas na sa mahigit 745 na sinehan sa buong mundo. Para sa detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Manong Chavit nagulat nang bigla siyang gawing artista

NAGPATAWAG ng presscon si Manong Luis ‘Chavit’ Singson para sa isang bagong pelikulang sinusuportahan niya bilang isang producer, ang ‘Beyond the Call of Duty’ na project ni Direk JR Olinares.
Kasama sa pelikulang ito sina Martin del Rosario, Maxine Trinidad, Paolo Gumabao, Mart Escudero, Jeffrey Santos, Bella Thompson at marami pang iba. Dahil isa itong advocacy film tungkol sa kabayanihan ng kapulisan at fire fighters, natanong kung willing siyang lumabas bilang artista. Natatawang umiling si Manong Chavit, sabay sabing: “Hindi na. Kanila na lang ‘yan.”
Kasama sa naturang pelikula ang anak niyang si Christian Singson. Executive producer naman ang isa pang anak niyang si Stephanie Singson.
“Natatawa nga ako dun sa isang pelikulang tinulungan kong i-produce with GMA Films, yung ‘Samahan ng Mga Makasalanan.” Pinakiusapan ako ng direktor na umupo sa isang bahagi ng location. Yun pala, dadaanan ako ng camera.”
Tampok sa “Samahan ng Mga Makasalanan” na palabas na sa April 19 sina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Christian Singson, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singsong, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Domanais), Tito Marsy (Christian Kimp-Atip), Yian Gabriel, Liana Mae, at ang child star na si Euwenn Mikaell.
Tiyak na aabangan ang pelikulang ito hindi lamang dahil sa mga tampok na artista kundi pati na kay Manong Chavit sa kanyang bit part.
Widows’ War, mapapanood na sa Netflix simula April 16
PARA sa fans ng drama at suspense, mapapanood na ang Widows’ War ng GMA Network simula ngayong April 16 sa Netflix Philippines.
Ang murder mystery drama series na ito ay pinagbibidahan nina Box Office Queen Bea Alonzo at Primetime Goddess Carla Abellana, bilang sila Samantha/Sam at Georgina/George, former best friends na muling magtatagpo matapos pumanaw ang kanilang mga asawa na sina Paco at Basil.
Sa maikling panahon ng muling pagkikita nina Sam at George, magiging primary suspects sila sa pagkamatay nina Paco at Basil.
Sino nga ba talaga ang tunay na salarin, at sino ang talagang inosente? Alamin at panoorin ang Widows’ War simula ngayong April 16 sa Netflix Philippines.
Ashley, naramdaman ang pagmamahal ng fans sa kanyang PBB journey
NAIYAK dahil ramdam na ramdam ni Ashley Ortega ang pagmamahal ng mga sumuporta sa kanya sa loob ng #PBBCelebrityCollabEdition house. Bilang pasasalamat, nag-upload si Ashley ng isang espesyal na video para sa kanyang supporters.
Sa video, ipinahayag ni Ashley ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga hindi tumigil na sumuporta sa kanya.
Sa Instagram account naman ng Sparkle Artist Center, inulan ng pagmamahal ang comment section para kay Ashley, “Mahal ka ng marami, Ash. Tandaan mo ‘yan, madami ang nagmamahal sa’yo at hindi ka failure, ha. You can do this! At least now, madami nang nakakakilala sa’yo. More blessings to come sa outside world.”
“You deserve more, Ashley! We’re excited for what’s in store for you after this PBB journey!!!!” dagdag ng isa pang fan.
Michelle Dee, ini-release ang music video ng latest single na ‘Reyna’ sa YouTube
SA pagtatapos ng International Women’s Month, inilabas ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist Michelle Dee ang official music video ng kanyang debut single na Reyna noong March 29 sa kanyang YouTube channel. Ang kantang ito ay tungkol sa empowerment, confidence, at self-love, na agad tinangkilik ng kanyang mga fans.
Hindi lang basta performance ang ipinakita ni Michelle sa video. Makikita rin dito ang kanyang inang si Melanie Marquez (Miss International 1979) pinsang si Winwyn Marquez (Miss Universe Philippines Muntinlupa 2025) na nagbigay ng special na highlight sa video. Sa huling bahagi, naglakad sila suot ang kanilang bold red outfits na nagbigay ng lakas at ganda sa music video.
Ayon kay Michelle, inanyayahan niya ang kanyang ina upang makiisa sa shoot, at ibinahagi ni Melanie na proud siya sa kanyang anak. Masaya naman si Winwyn sa karanasang iyon at inalala ito bilang isang espesyal na moment.
Ang Reyna ay ang unang collaboration ng Star Music at GMA Music.GMA Prime.