Default Thumbnail

MWP sa ‘murder’, tigok sa barilan sa San Pablo

June 24, 2023 Gil Aman 970 views

DEAD on arrival ang isang lalaking “most wanted person” (MWP) sa kasong “murder” habang sugatan naman ang isang miyembro ng pulisya na maghahain ng warrant of arrest sa suspek, Sabado ng hapon sa Barangay Sto. Ñino, San Pablo City, Laguna.

Ayon kay OIC (Officer-in-Charge) Police Lieutenant Col. Wilhelmino Soliven Saldivar, hepe ng San Pablo City police, ang nasawing suspek ay pawang residente ng nasabing lugar.

Samantala, nasugatan naman sa kaliwang baywang ang isa sa mga arresting officers na si PSSgt. Nero Cuentas na kasalukuyang ginagamot sa San Pablo City Medical Hospital.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na ang Warrant Section sa pangunguna ni PCMS Christian Maderazo kasama ang ang lima pa ay inatasang ihain ang arrest warrant ng suspek dakong hapon ng Hunyo 24, 2023 ,na ibinaba ni dating Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court, Branch 32 ng San Pablo City noong Oktubre 2017.

Ayon sa pulisya, padating pa lamang ang kanilang grupo sa lugar ng pumasok umano ang suspek sa bahay nito at bigla na lang pinaputukan ang isa sa mga operatiba.

AUTHOR PROFILE