
MPD PS-6 pinaigting anti-gambling ops sa Sta. Ana
DAHIL sa mahigpit na ipinapatupad ng himpilan ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station (PS) 6 na “all-out war” sa iligal na pagsusugal, muli na naman nagpakitang gilas ang mga tauhan ng nasabing istasyon, sa pinaiiral na “No Take Policy” makaraang matimbog ang kubrador ng EC2 o “lotteng” habang nagpapataya sa New Panaderos Street, Sta. Ana, Maynila, Huwebes ng gabi.
Dahil dito kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9287 (illegal numbers game) sa sinasabing “kubrador,” 48, may asawa ng Lamayan Street, Sta. Ana, kasama ang isang mananaya umano, na isang 59-anyos na tsuper ng pampasaherong dyip.
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Jason Aguillon, station commander, bandang 7:40 ng gabi (Hunyo 15), nang mamataan ang ang suspek na kubrador umano na inaasikaso ang taya ng tsuper ng dyip sa nasabing lugar.
Ang dalawa ay pinayagang magpiyansa ng tig-P100,000 bawat isa.
Nabatid din kay Aguillon, kabilang sa ginagawang operation ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSgt. Alfredo Sunga.
Kamakailan ay nahuli rin sa akto ang isang 29-anyos na binata, habang nagpapataya ng “lotteng” sa Main Street, Paco, Maynila, Martes ng gabi.
Nahaharap din ang suspek sa parehong paglabag sa RA 9287 in relation to SACLEO, na taga San Andres Bukid, matapos mahuli na nagpapataya sa isang 48-anyos na electrician, ng Pandacan, Maynila.
Sa ulat ni Sunga, team leader ng Sta. Ana PS-6, naiproseso na ang dalawa matapos itong mahuli sa akto at maaresto sa naturang lugar.
Nakumpiska sa kubrador umano ang isang papel na naglalaman ng mga tinayan o “rota,” isang itim na ballpen at P800 kabuuang halaga ng taya.
Dahil dito, pinapurihan ni “The Game Changer General” MPD chief PBGen. Andre P. Dizon ang buong kapulisan ng Sta. Ana PS-6 sa operasyon kontra illegal gambling, ayon kay P/Maj. Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO) ng MPD.