MPD LINDOL LAYUAN MO KAMI–Kanya-kanyang takip sa ulo ang mga pulis na parang elementary pupils matapos ang 2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill sa MPD headquarters quadrangle sa UN Avenue, Ermita, Maynila noong Biyernes. Kuha ni JonJon Reyes

MPD policemen nag earthquake drill

June 28, 2024 Jonjon Reyes 81 views

NAGSAGAWA ng earthquake drill ang mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa headquarters nila sa UN Avenue, Ermita, Maynila noong Biyernes bilang paghahanda sakaling lumindol.

Alas-2:00 ng hapon ng tumunog ang hudyat bilang paghahanda at para lumikas ang mga personnel sa kani-kanilang mga opisina at pumunta sa open space na may takip sa ulo.

Ito na ang second quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isinagawa ng iba’t-ibang establisyemento at tanggapan ng mga ahensya ng gobyerno.

Nauna na ring hinikayat ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council chair Gilberto Teodoro Jr ang publiko na gawing seryuso ang NSED.

Kabilang sa mga istasyon ng kapulisan na sabay-sabay nag-earthquake drill ang MPD Malate Police Station 9.

Kasama sa drill ang pagbitbit ng mahahalagang gamit tulad ng medical kit, bottled water, power banks at iba pa.

Isa ring scenario sa isinagawang drill ang maingat na paglikas at pag-rescue sa mga sugatan.

Naglalayong isulong ang paghahanda sa lindol ang isinagawang 2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill.

AUTHOR PROFILE