MPD Binigyan ni NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr. ng cash reward ang mga kapulisan ng MPD na personal namang tinangap ni Brig.General Leo ‘PACO” Francisco para ipamahagi sa kanyang mga kapulisan at stations na walang sawang nagtatrabaho at nanghuhuli ngmga MWP sa kani-kanilang areas of responsibility. Kuha ni JONJON REYES

MPD pinarangalan, nanguna sa huli ng MWPs sa NCR

April 20, 2021 Jonjon Reyes 1257 views

KAMAKAILAN ay binati at binigyan ng paranagal ni NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr.ang pamunuan ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Director Brig, General Leo M.Francisco dahil sa kanilang pangunguna sa mga pagtugis sa mga kriminal at mga Most Wanted Person (MWP) sa Maynila.

Ayon kay Police Major General Danao, nanguna ang MPD sa may pinakamaraming naaresto at nahuli na mga kriminal at mga MWP sa loob ng unang apat na buwan ng 2021 dahil sa kanilang masigasig at walang tigil na pagsasagawa ng Oplan Saliksik-Pagtutugis at pagsisilbi ng warrant of arrest sa mga kriminal.

Kasabay nito ay binigyan ni RD Gen.Danao ng cash reward ang mga kapulisan ng MPD na personal namang tinangap ni Brig.General Leo ‘PACO” Francisco para ipamahagi sa kanyang mga kapulisan at stations na walang sawang nagtatrabaho at nanghuhuli ng mga MWP sa kani-kanilang areas of responsibility.

Lubos naman ang pasasalamat ni General Francisco sa walang sawang pag suporta ni Maj.Gen Danao at kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso maging sa kanyang mga kapulisan ng Maynila dahil sa kanilang tapat at maayos na paglilingkod para sa Maynila.

“Ako ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa ating mga Pulis-Maynila sa kanilang walang patid na pagsunod sa programa at kampanya kontra kriminalidad, droga,terrorismo at sa pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas. Sana ito ay magsilbing inspirasyon at motibasyon sa ating lahat upang ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng MPD-PNP,” ayon kay Brig. Gen. Francisco.

Nagpaabot din ng mga pagbati at pasasalamat si Manila Mayor Francisco Moreno Domagoso at maging ang mga officials at members ng Manila Police District Press Corp (MPDPC) sa pamunuan ng Manila Police District Headquarters..

“Congratulations Team MPD under the leadership of District Director Police Brigadier General Leo M. Francisco o tinatawag na Team “Police And Community as One”(PACO). Good Job po mga Sir, Mabuhay ang MPD GOD Bless PNP,”ang bati ng mga officials at members ng MPDPC. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE