
MPD chief Dizon tiniyak kaligtasan ng publiko sa mga pamilihang bayan
Kabilang ang Divisoria, Binondo
MAHIGPIT ang kautusan ni Manila Police District Director (MPD) Police Brigadier General Andre P. Dizon na pagtuunan ng pansin ang tiyak na kaligtasan at seguridad ng publiko sa mga pamilihang bayan, partikular na sa Divisoria na sakop ng Station 2 sa Tondo at Station 11 sa Binondo, Manila.
Ayon sa tinaguriang “The Game Changer General” kinakailangan ding paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na nagiging palabigasan ng mga kriminal tulad ng mga mandurukot, snatcher at holdaper.
Ipinag-utos ni Dizon na siguruhin ang kaligtasan ng publiko sa mga lugar na nasasakupan ng kanyang mga station commanders na sina Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses ng Station 2 sa Tundo, Police Lieutenant Colonel Rexson Layug ng Station 11 sa Binondo, Police Lieutenant Colonel Ramon Csar Solas ng Station 3 sa Sta Cruz at ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez ng Station 5 sa Ermita, Manila.
Inutusan ring maging alerto ang mga commander ng mga PCP sa Blumentritt, Plaza Miranda, Dagupan at Asuncion.