Default Thumbnail

MOTION SA OMBUDSMAN

June 6, 2024 People's Tonight 167 views

DALAWANG urgent motion ang inihain sa Office of the Ombudsman ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo habang iginiit niya na ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde.

Inihain ng alkalde ang Urgent Motion for Reconsideration at Urgent Motion to Lift Preventive Suspension.

“The suspension should be lifted,” nakasaad sa mosyon.

Sinabi ni Atty. Stephen David, isa sa mga abogado ni Mayor Guo na naghain ng mosyon sa Ombudsman, na lubhang mabigat ang anim na buwang suspensyon.

Umaasa ang kanilang kampo na agad na reresolbahin ng Ombudsman ang kanilang mosyon lalo pa at nakasalalay dito ang pagganap ni Mayor Guo ng kanyang tungkulin bilang halal na opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Nanatiling matatag si Mayor Guo sa hangarin na makamtan ang patas na pagtrato sa mga alegasyong ipinupukol sa kanya,” paliwanag ni Atty David.

“Umaasa kami na babawiin ang suspension order hindi lamang para kay Mayor Guo kundi para sa mga residente ng Bamban,” dagdag pa nito.

Matatandaan na ang suspension order ay nag ugat sa reklamo.ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagkaroon ng paglabag sa Grave Misconduct, Serious Dishonesty, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service si Mayor Guo nang bigyan nito ng business permit ang isang POGO operator.

Sinabi ni Atty David na umaasa silang agad na irerekonsidera ng Office of the Ombudsman ang kanilang inihaing mosyon

“Mayor Guo most respectfully and humbly prays that the Order of Preventive Suspension be immediately lifted and that herein respondent should not be held liable for any administrative charges,” pagtatapos pa ni Atty. David.

AUTHOR PROFILE