![Erana](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2024/06/Erana.jpg)
MOST WANTED SA RAPE KALABOSO SA BONGABON
BONGABON, Nueva Ecija – Hindi na nakapalag pa ang number one most wanted person sa bayang ito sa kasong panggagahasa matapos siyang masakote ng operatiba ng kapulisan dito nitong Huwebes ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Nueva Ecija police head Col. Richard V. Caballero, kinilala ni hepe Major Alrick A. Erana ang naarestong suspek na isang 55-anyos na furniture maker, taga Bgy. Vega dito.
Isinilbi sa kanya ang arrest warrant dakong alas 6:55 ng gabi na inisyu ng Palayan City Regional Trial Court Branch 40 na walang nirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakakulong na ngayon ang suspek para sa kaukulang disposisyon.