
Morena magnet
NABUHAYAN na naman ang mga fans ng social media star na si Ayanna Misola matapos niyang magbahagi ng isang mapang-akit na larawan na nagpabilib sa kanyang followers.
Suot ang isang brown bikini na lalong nagpa-highlight sa kanyang morenang kagandahan, tumayo si Ayanna sa gitna ng dagat para sa isang stunning photoshoot. Ang kanyang natural na allure ay tila nagpapahiwatig ng summer na hindi pa natatapos.
Kahit walang caption ang kanyang post, sapat na ang larawan para magpaingay sa social media. Isang perfect match sa mga likas na tanawin ang kanyang radiant skin at ang fierce niyang pose.
Agad na binaha ng reaksyon ang comment section. “I need to call God and tell him an angel fell from heaven,q” sabi ng isang fan. Isa pang netizen ang nagsabing, “Ibang klase talaga yung Ayanna Misola!”