Morena Larawan: Morena Carlos/IG

Moren-ugh

February 7, 2025 People's Tonight 188 views

NAG-AAPOY sa alindog ang model at endorser na si Morena Carlos matapos niyang ipasilip ang kanyang matinding pasabog sa isang photoshoot.

Suot ang nakakagigil na green apple bikini na tinernohan ng jeans, hindi lang niya ibinida ang kanyang morena glow, kundi pati ang face card na walang mintis at katawang pampabaliw!

Para sa kanyang fans, tinapos na ni Morena ang laban. “So pretty and sexy talaga!” hirit naman ng isa, habang may isang kinilig pa sa caption ng modelo: “Sobrang ganda bebe ko!”

Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang paboritong pantasya ng madla dahil swabe sa kaseksihan, tapang sa pagpapakita ng kagandahan.

AUTHOR PROFILE