
More kayang makipagsabayan sa bagong renewable energy technology
MABIBILIB ka na sa apat na taon ng More Electric and Power Corporation (More Power) bilang Distribution Utility(DU) sa Iloilo City ay mayroon na rin itong teknolohiya na kayang ipantay sa malalaking power supplier.
Ang More Power ay pumasok kamakailan sa isang tripartite agreement sa pagitan ng Energy Regulatory Commission(ERC) at Iloilo City LGU na naglalayong i-promote ang paggamit ng renewable energy sa lungsod sa pamamagitan ng paglipat na sa Net-Metering Program at Distributed Energy Resources (DER) na makatutulog para mabawasan ang electricity cost at greenhouse gas emissions.
Sa kasalukuyan, tanging ang malaking distribution company na Manila Electric Company (Meralco) at More Power pa lamang ang dalawang DU na nakipagpartner ang ERC para sa Renewable Energy Adoption.
Ibig sabihin ay ang dalawang DU ang may kakayahan para sa bagong teknolohiya. Hindi na nakapagtataka sa panig ng Meralco dahil dekada na itong nag-ooperate subalit sa kaso ng More Power ay maituturing itong bagito pa sa larangan ng power industry.
Ang koloborasyon ng ERC sa More Power para sa renewable energy ay kauna-unahan sa Visayas, nangangahulugan na nadaig pa ng kumpanya ang iba pang matatagal na distribution utilities at electric cooperatives.
Bago kasi makapag-offer ng Net Metering at DER ang distribution utility sa kanilang consumers ay dapat mayroon na itong impraktrakstura para dito gaya ng paglalagay ng smart meters, advanced communication systems at iba pa.
Ang More Power ay mabilis na nakasasabay sa teknolohiya dahil sa malaking investment nito na umabot na sa P2 billion. Sa kabila ng pandemic ay naisakatuparan pa rin ang kanilang modernization blueprint pangunahin na ang target na pag-upgrade sa pasilidad, pagbili ng bagong equipment, pag implementa ng digital technology sa kanilang operasyon at paglalatag ng solusyon at agresibong kampanya laban sa electric pilferage at illegal connection.
Ang naging commitment at determinasyon ng More Power na magbigay ng de kalidad na power supply ay nagresulta na sa “improved power situation” sa Iloilo City, pagtaas ng business at investor confidence at higit sa lahat ay pagbaba ng presyo ng kuryente, sa katunayan ang More Power ay isa sa may pinakamababang singil sa kuryente sa bansa at mula Enero hanggang Hulyo o 7 magkakasunud na buwan ng kasalukuyang taon ay nagpatupad ito ng ng pagbaba sa singil sa kuryente.
Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Z. Castro sa simula pa lamang ng operasyon ng More Power ay ipinopromote nila ang paggamit ng green energy, sa katunayan ang pagagmit ng renewable energy ang isa sa malaking factor sa pagbaba ng kanilang singil sa kuryente.
“Being the first in the Visayas to enter into this agreement showcases our strong support for the government. It is not a mere collaboration, it is a demonstration of the commitment of More Power towards a sustainable and resilient energy future. By embracing net metering and distributed energy resources, we can unlock the potential for cleaner, more cost-effective, and reliable energy supply” pahayag ni Castro.
Ang Net metering ay isang sistema kung saan ang mga residential at commercial customer ay maaaring mag-generate ng kanilang sariling kuryente mula sa renewable sources gaya ng solar panels, ang sobra o hindi magagamit na supply ng consumer ay may opsyon silang ibalik sa grid at pagkakitaan subalit kung kulang ay kaunti na lang ang supply na bibihin sa mga Distribution Utilities.
Sa oras na dumami ang gagamit ng Net Metering ay lalakas ang paggamit ng renewable energy at maiiwasan nang maging dependent sa fossil fuel na syang nakasisira sa kalikasan.
Sa ilalim ng nilagdaang tripartite agreement ay mag-eestablisa ang MORE Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy, ang ERC ang syang magbibigay ng technical at regulatory expertise, kabilang dito pagstreamline ng documentary submission, installation, payment at permitting processes ng Net-Metering at DER gayundin ang information drive habang ang Iloilo LGU ang syang titiyak na ang green practices ay iinimplementa sa lalawigan sa pamamagitan ng paggamt ng solar panels.
Sa inisyal na paglulunsad ng programa ay nasa 72 qualified users na ang naisyuhan ng Certificate of Compliance ng ERC para sa Net Metering Program sa Iloilo City at inaasahan na madaragdagan pa ito sa mga susunud na araw.
(Paki Share and Like sa journalnews.com.ph)