
‘Mommalinamnam’
KUNG palinamnaman ng alindog lang din ang pag-uusapan, kayang-kaya pa ring sumabay ng 48-year-old ’90s action-star beauty na si Yda Manzano.
Kahit na isa nang ganap na momma, hot na hot pa rin ang kanyang pag-awra. Nasilayan nga iyan sa isang larawang ibinida niya sa Instagram.
“Super exhausting na talaga ang INIT!” saad niya sa caption ng kanyang post.
Kahit na tila nabanas man si Yda sa init ng panahon, natuwa naman sa kanyang pagpapainit ang mga kalalakihang bet na bet pa rin siyang pagpantasyahan.
Natigil man sa pag-arte ang aktres dahil nagkaroon ng pamilya, hindi natigil ang mga barakong pagpantasyahan ang mga ‘MILF’ na tulad ni Yda.
Makikita nga sa post na may linamnam pa ring kayang ihain ang tulad niyang hot momma.
Kabogera ang pagbabalandra niya ng kanyang legs at kilikili. Iba kung maghain ng sarap ang kanyang patakam na katawan sa suot na laced lingerie.
Tampok si Yda sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ sa direksyon ni Mervyn Brondial. Nakipagsabayan siya sa mga young stars na tulad nina Jem Milton, Christy Imperial, at Candy Veloso.
Ngayon nga ay tila may niluluto na naman siyang bagong proyekto.
Nakilala si Yda sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bukang Bibig, La Querida, Suki, Sex Hub, May Sayad, 1st Time, Mamasan, at Halo-halo X.