Moira

Moira, madalas mapagkamalang lasing

September 15, 2023 Vinia Vivar 297 views

Aware si Moira dela Torre na lagi siyang napagkakamalang nakainom dahil sa mabagal niyang pagsasalita. Some people even think na lasing siya kapag nagpe-perform.

“Akala po nila, lagi akong nakainom pero gusto ko pong sabihin sa inyo, hindi naman po,” paliwanag ni Moira sa grand launch niya bilang ambassador ng Maria Clara Sangria nitong Huwebes sa Luxent Hotel.

“Ganito lang po talaga akong magsalita. Paglabas ko po ng…paglabas ko po sa nanay ko, ganito na talaga ako,” hirit pa niya.

“Pati pag-iyak ko po yata, ganito na rin. Pasensya na po,” sey pa ng singer-songwriter.

Biro pa niya, marahil noong buntis ang nanay niya ay uminom ng Maria Clara Sangria kaya paglabas niya ay ganito na siya.

Nakaka-tatlong baso pa lang daw siya nito ay nalalasing na siya pero depende pa rin daw kung malungkot siya.

Aminado ang singer na talagang pinag-isipan niya nang husto ang maging endorser ng nasabing inumin dahil isa itong alcohol brand.

Pero umiinom na raw siya noon pa ng Sangria at kinalakihan na niya ito dahil nagdadala parati ang tita niya sa bahay.

Bukod dito, nagustuhan niya ang campaign ng kumpanya kaya umoo siya. May two variants ang Maria Clara Sangria, isang regular at isang non-alcoholic at pareho itong ini-endorse ng singer.

Si Moira ang may akda ng anthem na Maria Clara, bagong jingle ng brand. Pinahiram din niya ang kanyang tinig upang makapagkalat ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon.

Mapapakinggan ang Maria Clara ni Moira sa Spotify.

AUTHOR PROFILE