Rubio

Modernisasyon ng BOC suportado ng JICA

August 23, 2023 People's Tonight 212 views

TUTULUNGAN ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang Bureau of Customs (BOC) upang maipatupad ang modernization projects nito na makatutulong upang labanan ang smuggling.

Nagpulong kamakailan sina BOC Commissioner Bienvenido Rubio at Customs Expert Katsu Shigeaki na mula sa JICA kaugnay ng mga pagbabagong kinakailangan upang mapalakas ang kampanya ng ahensya sa iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Sa pagpupulong ay ipinahayag ni Shigeaki ang pagsuporta ng JICA sa mga programa at inisyatiba ng BOC.

Kumpiyansa ang BOC na ang bagong Customs Expert na itinalaga ng JICA ay makapagbibigay ng strategic technical assistance at capacity-building support upang mapaganda ang proseso at pamamahala sa ahensya.

Kasama sa target ng BOC ay mabuhay ang Customs Laboratory nito na malaki umano ang maitutulong sa pagtiyak na tama ang buwis na binabayaran para sa mga ipinapasok na produkto sa bansa.

AUTHOR PROFILE