Default Thumbnail

MOA ng BOC, PHILPOST malaking tulong!

October 22, 2023 Vic Reyes 329 views

Vic ReyesTAUN-taon na lang ay maraming pakete at bagahe na naglalaman ng mga kontrabando, na kinabibilangan ng shabu at cocaine, ang nasasakote ng Bureau of Customs (BOC) sa bansa.

Ang mga pakete ay idinadaan sa koreo sa pag-aakalang makalulusot ang mga ito sa mga opisyal at tauhan ng BOC na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio Jr.

Hindi alam ng mga ismagler na ito na kayang-kaya ng mga taga-BOC na kilatisin kung may lamang kontrabando ang isang pakete.

Kaya nga tama ang ginawa ng BOC na pumirma ng memorandum of agreement (MOA) sa Philippine Postal Corporation (PHILPOST).

“The MOA aims to intensify efforts to enhance trade facilitation programs, focusing on improving the speed, security and quality of customs clearance for postal items,” ayon sa BOC.

Ang pirmahan ng nasabing kasunduan ay nagpapakita ng determinasyon ng dalawang ahensya na lalong paigtingin ang “trade facilitation programs for importers and stakeholders.”

Ang signing ng MOA ay isinabay sa founding anniversary celebration ng Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) noong Oktubre 18 sa Paranaque City.

Pinirmahan nina Commissioner Rubio at Postmaster General Luis Carrlos.

Malaki ang magagawa ng nasabing MOA para ma-address ang transport ng tinatawag na illicit materials, counterfeit goods at money laundering activities.

Ang mga illegal activities na ito ay makakaapekto sa economic, sotial, fiscal and security interests ng Pilipinas.

****

Dapat lahat ng mga lumalabag sa mga batas ng eleksyon ay mahuli at maparusahan.

Sa dami ng mga lumalabag sa election laws, rules and reguations ay kailangang makita ng taumbayan na seryoso ang Commission on Elections (Comelec) na papanagutin sila.

Kung hindi ay baka wala ng maniwala sa poll body na kaya nilang ipatupad ang mga batas.

Huwag natin kalimutan na parating rin ang May 12, 2025 national and local elections.

Matatapos ang termino ng mga konsehal, vice mayor, mayor, kongresista, gonernador, voce governor at provincial board member sa Hunyo 30, 2025.

Sa totoo lang, kahit non-partisan ang barangay and sangguniang kabataan election (BSKE) ay may mga lokal na politiko ang lantarang nakikialam sa dalawang eleksyon.

Ang gusto nila ay mga kakampi nila ang mga nakaupong opisyal ng barangay pagdating ng 2025 election.

Alam nilang may impluwensiya ang mga barangay officials at employees sa komunidad at pinapakingggan ito ng mga residente, lalo na ng mga botante.

****

Paskong-pasko na sa maraming lugar ng Pilipinas, lalo na sa mga kanayunan na kung saan inaabangan ng mga tao ang pagdating ng Christmas Seaon.

Marami ng parol, Christmas lights at iba pang x-mas decorations ang nakabitin sa mga bahay, poste at punong kahoy na nakalinya sa mga lansangan.

Sa buong mundo, sa Pilipinas, na kung saan majority ng populasyon ay mga miyembro ng Roman Catholic Church, ang may pinakamahabang Christmas Season.

Nagsisimula ang Christmas Holidays sa bansa sa unang araw ng September, ang una sa apat na “ber” months ng taon (October, November at December).

Sa “snake-infested waterfront” sa Manila naman ay lumalaki ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) bago pa man magsimula ang Holiday Season.

Dito na kasi dumadagsa sa bansa ang mga Christmas items, na kinabibilangan ng appliances at iba pang electronic gadgets, na paboritong pang-regalo ng mga Pinoy sa panahon ng kapaskuhan.

Nandiyan rin ang mga balikbayan boxes na naglalaman ng mga pamasko ng milyung-milyong overseas Filipinos sa kani-kanilang mga mahal sa buhay sa ating bansa.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE