Beauty1

Mister, proud sa bikini shot ni Beauty

September 10, 2022 Vinia Vivar 633 views

Kasama na si Beauty Gonzalez sa napakaraming celebrity endorsers at brand ambassadors ng Beautederm. Siya ang newest face of BeauteHaus, ang dermatological clinic ng Beautederm na located sa Angeles City, Pampanga.

“I am very happy na nakaabot ako at nakasali ako sa Beautederm/BeauteHaus family,” masayang wika ni Beauty sa grand media launch at contract signing niya na ginanap last Friday sa Luxent Hotel.

“’Coz you know, I’ve been seeing them in Instagram lang and I see how Mama Rei (Rhea Anicoche-Tan, president/CEO ng Beautederm) really takes good care of her endorsers and everyone around her. So I’m very happy and privileged to be part of this ’coz I know that she will always be here for me just the way I’ll always be there for her,” she added.

Bilang parte ng pagiging BeauteHaus ambassador ay pumayag si Beauty na mag-pictorial in a sexy two-piece bikini kaya naman natanong ang aktres kung ano ang reaksyon ng kanyang mister na si Norman Crisologo.

Timing naman na kasama ni Beauty ang kanyang hubby kaya sey ng aktres, “You can ask him at your back.”

Good sport naman si Norman at nagpaunlak na sagutin ang tanong. Ang ganda ng kanyang sagot: “Are you talking about the bikini shot? Sobrang proud kasi pag-uwi niya, katabi ko ‘yun,” sey ni Norman na ikinakilig ng press.

Pati si Beauty ay kinilig sa sinabi ng asawa.

“Kinilig ako. Happy naman siya, kasi ‘yan ‘yung katabi niya sa gabi,” natatawang sabi ng aktres.

Biniro nga sila na baka magkaroon na ng baby no. 2 at kinontra agad ito ni Beauty.

Aniya, hindi na ito mangyayari at kuntento na sila sa unica hijang si Olivia.

“Napag-usapan namin, and honestly, okay lang sa akin isang baby lang talaga. Mas gusto ko, enjoy na lang namin ‘yung time namin together, travel, ‘yun,” sey niya.

Humihingi nga raw ang anak nila ng kapatid and what she did ay binilhan niya ito ng pet dog kaya okay na ito.

Samantala, bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang aktres, asawa at ina kaya siya ang karapat-dapat na maging mukha ng BeautéHaus.

Ilan sa mga paboritong BeautéHaus procedures at treatments ni Beauty ay ang Exislim, M-Shape, Snow White Laser, BeautéDrip, BeautéTox at Lite Facial.

AUTHOR PROFILE