Patay Kulungan ang kinahantungan ng isang misis matapos masaksak sa dibdib at mapatay ang mister nito sa Sta Ana Manila dahil sa selos. Kuha ni JONJON C. REYES

Mister patay sa saksak ng misis dahil sa selos

June 10, 2024 Jonjon Reyes 231 views

PATAY ang isang 25-anyos na mister matapos magtamo ng isang saksak sa dibdib mula sa kinakasama nito, matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa selos Linggo ng gabi sa Pasig Line Street, Sta Ana Manila.

Kinilala ang biktima na si Cecilio Lopez, 25, resodente ng 2335 Int.1` Pasigline St. Kusang loob namang sumuko ang misis nito na nakilalang si Rhizza Alonzo, 25, matapos mamataan ng mga rumesponding pulis ng Dagonoy PCP MPD Stn.6 sa Sta Ana Hospital

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla,hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 11:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng mag-asawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya matinding selos umano ang naging dahilan ng pananaksak ng suspek.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa sakitan.

Dahil dito,isang patalim na may habang 11 pulgada ang dinampot ni misis at isinaksak a biktima.

Dakong 12:01 a.m. ng Lunes,nang ideklarang patay ang biktima ni Dr. Marvin John Pega, attending physician sa Sta Ana Hospital.

Kasalukuyang nang nakakulong si misis sa himpilan ng MPD Homicide section ng Manila Police District Headquarters habang inihahanda ang kaso laban dito.

AUTHOR PROFILE