Mimiyuuh

Mimiyuuuh nagpakatotoo sa pagkalap ng tsismis sa bagong TVC

October 18, 2023 Ian F. Fariñas 340 views

Aminin, marami ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig ang mga salitang “uy, may chika ako.”

Lahat ay may itinatagong “Marites” sa mga sarili, na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na tsismis at hindi pwedeng maiwanan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan.

Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na si Mimiyuuuh para sa TNT, ang mobile brand ng Smart.

Sa nasabing video, mapapanood si Mimiyuuuh habang nagbabasa ng kanyang social media feed sa kalagitnaan ng gabi nang bigla niyang makita ang isang hindi inaasahang bisita na kamukha ng pamosong multong Hapon na si Sadako.

Sa kalaunan, nalaman din ni Mmiyuuuh na namutla lang pala ‘yung babae sa video dahil sa sobrang sabik na makarinig ng tsismis.

Manatiling alam ang mga tsismis gamit ang FB+Chat50, ang pinakamurang produkto ng TNT.

Para mas malaman pa ang pinakamaiinit na online tsismis ng bayan at mas sumigla pa ang mga subscriber, inilabas kamakailan lamang ng TNT ang FB+Chat 50, na nagbibigay ng pitong araw na punung-puno ng data offer para mas madaling magamit ng mga subscriber ang kanilang Facebook, Messenger, WhatsApp at Instagram accounts.

Sa halagang P50 lang, ang FB+Chat 50 ay may kasamang libreng 3.5 GB na maaaring gamitin sa loob ng pitong araw, na sapat na sapat para magkaroon at ma-enjoy ang pagkalap ng tsismis para sa buong linggo.

Ito ay hatid ng may pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa na binigyan ng award ng Ookla sa sunud-sunod na tatlong bahagi ng taon.

Sa pamamagitan ng FB+Chat50, wala nang rason ang lahat ng TNT subscriber para makaligtaan pa ang mga pinakamainit na balita online tungkol sa kanilang paboritong artista, bulung-bulungan sa social media, o ‘di kaya naman ay mapag-iwanan pa sa usapan ng mga kaibigan pagdating sa pinakamainit na isyu ng bayan, na hindi mabubutas ang kanilang mga bulsa.

Maaari ring i-share ng TNT subscribers ang mga nakakatuwa at mahahalagang post sa Facebook at Instagram, i-tag ang kanilang mga kaibigan o makisali sa mga diskusyon ng barkada sa pinakamaiiinit na tisismis gamit ang Messenger o WhatsApp.

“Bahagi na ng buhay ng Pilipino para patuloy pa rin silang may koneskyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagsi–share ng mga latest na usapan online.

“Sa pamamagitan TNT FB+Chat 50, binibigyan namin ng murang paraan ang aming subscribers para patuloy nilang malaman ang mga pangyayari sa lahat, na pinalakas ng pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa,” ayon kay Lloyd Manaloto, FVP at head ng Prepaid at Content ng Smart.

Maaaring magparehistro ang lahat ng TNT subscriber sa FB+Chat 50 sa pamamagitan ng Smart App, na maaaring ma-download sa Apple App Store, Google Play Store at Huawei Mobile Services.

Ang iba pang mga kustomer ay maaari ring makapag-avail ng produkto ng TNT. Kailangan lang nilang i-dial ang *123#; pumunta sa pinakamalapit na tindahan; o bumili gamit ang kanilang paboritong mobile wallet apps at pwede rin sa Facebook Upsell at Facebook Mobile center.

Ang TNT ay bahagi ng Smart, ang may pinamakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa Pilipinas na pinatunayan ng Ookla, ang lider sa buong daigdig sa larangan ng mobile at broadband network intelligence.

Ang Smart ang pinakauna at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nakatanggap ng prestihiyoso at natatanging parangal sa tatlong sunud-sunod na ulat ng Ookla na inilabas noong Q1-Q2 2022, Q3-Q4 2022 at Q1-Q2 2023.

AUTHOR PROFILE