Paul

Mikee walang regret sa pakikipaghiwalay kay Paul

April 1, 2025 Vinia Vivar 195 views

Hiwalay na sina Mikee Quintos at Paul Salas matapos ang apat na taong relasyon.

Ito ang ni-reveal ng aktres ngayong araw (April 1) sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang co-star niya sa “Slay” na si Gabbi Garcia.

Diretsong tinanong si Mikee ni King of Talk Boy Abunda kung hiwalay na ba sila ni Paul dahil nabalitaan niya ito sa kanyang reliable source.

“Napakahirap po itanong nito. Oo o hindi, kayo ba ni Paul Salas ay nagkahiwalay na?” tanong ni Kuya Boy.

Ilang segundong hindi nakasagot si Mikee at halatang tinitimbang o iniisip kung ano ang isasagot.

Then she answered na halata ang lungkot, “Opo, hiwalay na kami.”

Diretso pa rin ang sunod na tanong ng premyadong TV host pero pinauna naman niya kay Mikee na kung gusto lang nitong sagutin.

“Bakit? May third party ba? What is the story?” he asked.

Sey ni Mikee, “Of course, wala pong third party. ‘Yung ‘bakit,’ I think, it’s better if you hear it from him.”

She added, “Honestly, before today, pinag-iisipan kong mabuti kung magsasabi na ako sa public o hindi. Mahirap for me, it’s a big jump. ’Yung feelings ko, kinokontra ‘yung iniintindi ko sa mind ko lahat. And hindi naman sa ayaw kong i-share, pero, I think there’s a right time for it.”

Kasunod nito ay nagsimula nang maging emosyonal ang aktres.

“Pagdaanan ko na lang po muna, and then, eventually, ‘pag ok na ‘ko… ‘pag ok na ’ko…,” aniya.

When asked kung ano ang huling conversation niya with Paul, ayon kay Mikee, isang buwan na mula nang maghiwalay sila. Nilinaw din niya na mutual decision naman ito.

“Shocking for me lahat ngayon. Shocking. A month ago na ‘yung nag-start kami mag-usap about this decision and ngayon, nagiging clear sa amin na ito nga ‘yung tama for us. Mutual naman na decision ‘to.

“And madami pa kaming… bata pa kami. And sincere ‘to from the bottom of my heart, pinanghahawakan ko lang ngayon ‘yung faith ko, Tito Boy,” aniya.

Malaking bagay daw ang female co-stars niya sa serye nilang “Slay” na naging very supportive nang malaman ang kanyang pinagdadaanan.

Sa huli ay sinabi ng aktres na nagtitiwala na lang siya sa plano ni Lord for her.

“Kung kami (ni Paul), kami. Kung kami, I know, Siya na maghahanap ng way na mangyari ‘yun, si Lord na. So, I won’t try to control things. I just know na ito ‘yung tamang desisyon,” pahayag ni Mikee.

Inamin din ng aktres na mahal pa niya si Paul at masakit pa rin sa kanya ang breakup.

When asked kung ipinaglaban ba nila ang kanilang pagmamahalan, emosyonal na wika ni Mikee, “Oo naman. I think more than expected pa, ano, more. Wala akong regrets.”

Dagdag pa niya, “Mahirap sa akin ito, ‘tong decision na ‘to.”

Sa huli ay hiningan ni Kuya Boy si Mikee ng mensahe para kay Paul.

“Paul, thank you. Four years. And alam mo naman na ‘yun, nasabi ko na ‘yung mga gusto kong sabihin. Maybe I wanna remind you lang na nasa sa ‘yo to make all these worth it,” pahayag ng aktres.

AUTHOR PROFILE