
Mikee Quintos, Paul Salas naglampungan sa Korea
LALANGGAMIN ang netizens sa tamis ng paglalambingan nina Mikee Quintos at Paul Salas na kasalukuyang nasa South Korea.
Sa Instagram post ni Mikee, ibinahagi niya ang sweet moments nila ng nobyo niyang si Paul habang sila ay nasa Myeongdong, Seoul.
Aniya, “Lambing muna bago palibre,” na siya namang sinegundahan ni Paul na “Gg!”
Inulan naman naman ng magagandang komento ang naturang post ni Mikee.