Alex Larawan mula sa IG/@cathygonzaga

Mikee ‘di bet niretokeng ilong ni Alex

January 6, 2024 People's Tonight 286 views

INAMIN ng business-politician na si Mikee Morado na hindi niya nagustuhan ang bagong gawang ilong kanyang asawa at comedienne-actress na si Alex Gonzaga.

Sa latest vlog ng brand owner at social media personality na si Viy Cortez, sumalang sa lie detector test si Mikee.

“Nagustuhan mo ba ‘yung bagong ilong ko?” saad ni Alex sa kanyang asawa.

Diretsahan namang sinagot ni Mikee ang tanong at sinabing hindi niya ito nagustuhan.

Paliwanag niya’y hindi naman kailangang gawin iyon ni Alex ngunit para sa ikasasaya ng kanyang misis ay ayos lang.

“Hindi. […] Maganda siya pero hindi kailangan. Pero kung masaya ka, gusto mo, okay lang,” pahayag ni Mikee.

“Truth. So patanggal mo na nga ‘yan,” hirit ni Viy matapos na tumugma ang lumabas na resulta sa nasabing test.

“Ay ang sakit,” wika naman ni Alex.

“Maganda siya pero hindi kailangan, ‘yun na lang,” dagdag pa ni Mikee.

Matatandaang nito lamang nagdaang Disyembre ay ibinandera ni Alex ang kanyang bagong ilong sa kanyang social media.

“I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose!” wika ng vlogger at comedienne-actress.

AUTHOR PROFILE