
Miguel at Ysabel, nag-deny na magdyowa na sila
Nagpakilig sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix (YsaGuel) nang sabihin nilang ang reward na natanggap nila while doing Voltes V: Legacy for four years ay ang isa’t isa.
Sa finale virtual mediacon ng nasabing high-rating primetime series ay natanong ang direktor na si Mark Reyes at ang six lead stars (Miguel, Ysabel, Rafael Landicho, Matt Lozano, Radson Flores at Martin del Rosario) kung ano ang naging reward o binili para sa sarili sa apat na taong pagtatrabaho sa Voltes V: Legacy.
Sey ni Miguel, “Sa akin po, si Ysabel, char!” sabay-tawa. “Joke lang,” aniya pa.
“Pero plano kong mag-travel sa birthday ko rin at bilang reward ko sa sarili ko after four years ng puro trabaho sa Voltes V,” dagdag ni Miguel.
Nang turn na ni Ysabel, sabi niya, “Sige, sabihin ko na rin po, si Miguel. Charot lang,” at natawa rin ang dalaga.
Pero ang talagang reward daw niya sa sarili mula sa kinita sa serye ay ang pagtatayo ng pangarap na negosyo.
“Along with my partners po, magpapatayo po ako ng isang nail salon and at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bake shop. So, it’s kinda challenging po to put up two businesses at the same time pero ‘yun po ‘yung ginawa kong reward sa sarili ko,” Ysabel said.
Nang matanong kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon, ayon sa dalawa, super close sila at hindi pa magdyowa.
Basta ang sure sila ay kahit matapos pa ang Voltes V: Legacy, tuloy pa rin ang kanilang friendship.
Ayon kay Miguel, ganu’n pa rin ang estado nila. Meaning, nanliligaw pa rin siya kay Ysabel. Matatandaang umamin ang aktor some months ago na nililigawan niya ang kapareha.
Sey ni Miguel, sasabihin naman nila kapag sila na.
Samantala, nagpapasalamat ang anim na lead stars sa napakalaking oportunidad na ibinigay ng GMA-7 nang mapili silang maging parte ng Voltes V: Legacy. Of course, malungkot din sila sa pagtatapos nito dahil sa apat na taong pagsasama nila ay para na silang naging magkakapamilya at napakarami nilang magagandang alaala together.
Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng serye next week.