Michelle Dee

Michelle, ’di pa tapos ang laban

November 20, 2023 Jun Nardo 171 views

TAPOS na ang 2023 Miss Universe. Hindi pinalad ang bet nating si Michelle Dee. Si Miss Nicaragua ang tinanghal na Miss Universe 2023.

Michelle did her best pero marami siyang kalaban kaya wala tayong magagawa kung hindi siya umabot sa Top 5.

Pero marami pa ring bitter. Hindi maka-get over sa resulta.

Eh, si Michelle, tanggap ang resulta. Alam niyang may dahilan ang lahat ng nangyari.

Hindi man nanalo, nag-iwan naman ng marka sa mundo si Michelle dahil sa advocacy niya sa autism.

May showbiz career pa naman si Michelle kaya hindi pa tapos ang laban niya, huh! Ginawa naman niya ang lahat pero hanggang Top 10 na lang ang journey niya.

Pagbigyan na natin ang Niaragua dahil first time nilang manalo sa Miss Universe habang ang Pilipinas ay nakakailang Miss Universe winners na, huh!

BAGONG GRUPO

AARANGKADA sa Eat Bulaga ang bagong talents under Tape Talents Management dahil magiging kabilang na sa show ang grupong BPop group na all-female.

Produkto ng contests sa EB ang Bpop at pinapirma na sila ng kontrata ng Tape.

Of course, ang Tape ang pinagmulan ng Sex Bomb Girls at EB Babes kaya gusto nilang tumuklas ng kagaya nila na naging bahagi ng programa tuwing tanghali.

Ala-Kpop Ppop ang porma at ayos ng BPop kaya naman magugustuhan ito ng manonood.

AUTHOR PROFILE