Michael Larawan: Michael V./IG

Michael V, nagluksa sa pagpanaw ng make-up artist

January 4, 2024 People's Tonight 295 views

MALUNGKOT na ibinahagi ng komedyanteng si Michael V. o mas kilalang “Bitoy” sa kanyang Instagram ang pagpanaw ng kanyang make-up artist.

“Madalas n’yo ’kong makita na naka-character sa mga shows, print ads at TV commercials na ginagawa ko. All this time, ang makeup artist at hairstylist ko is this wonderful human being named Mario Bernardino or “MARIA” for short,” saad ni Bitoy sa kanyang Ig post, Enero 3.

Dagdag pa ng “Bubble Gang” actor-director higit 25 years na silang magkasama ni Maria.

“Matagal na kaming magka-tandem ni Maria; more than 25 years na. When I look my best and when I look like someone else, Maria has always been behind those looks,” sey pa niya.

“Nakakalungkot when I found out that he passed away today. I will miss you my dear friend. Marami kaming nagmamahal at malulungkot sa industriya ngayong wala ka na,” dagdag pa ni Bitoy.

Ilang celebrities naman ang nagpa-abot ng kanilang “condolences” sa namayapang kaibigan ni Bitoy.

AUTHOR PROFILE