Monitor

MIAA NAKA-MONITOR SA VIRUS MULA JAPAN

June 28, 2024 People's Tonight 58 views

Monitor1Monitor2INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) na patuloy pa rin nitong pinapaalalahanan ang mga pasahero na ugaliin ang pagsuot ng face mask habang nasa loob ng paliparan.

Ito ang pahayag ni MIAA spokesperson Atty. Chris Bendijo kasunod ng mga lumalabas na ulat na kumakalat na bagong virus mula sa Japan.

Naglalagay na ang ahensya ng mga paalala sa paliparan para sa pagsusuot ng face mask, pag-sanitize ng mga kamay, at pagtatakip ng bibig at ilong kung uubo o babahing.

Ayon sa ahensya, patuloy din ang pakikipag-ugnayan nito sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Bureau of Quarantine (BOQ) na maglagay ng tauhan sa entrada ng paliparan upang ma-monitor ang mga dumarating na pasahero mula sa ibang bansa.

Hiniling ng MIAA sa BOQ na magbigay ng update kung may mamo-monitor itong active cases ng virus para makapaghanda ng mga polisiya na maipapatupad upang hindi na magkaroon ng kontaminasyon.

Nilinaw naman ni Bendijo na recommendatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa paliparan at hindi pa ito ikinokonsiderang mandatory. Ni JOSEPH MUEGO

AUTHOR PROFILE

Nation

SHOW ALL

Calendar