Default Thumbnail

Mga pabayang opisyal, palitan na!

June 25, 2023 Vic Reyes 264 views

Vic ReyesSA darating na Sabado, Hulyo 1, ay magsisimula na ang pangalawang taong panunungkulan ni Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kagaya ng sinasabi ng marami, ang unang taon ng kasalukuyang gobyerno ay nagsilbing OJT (on the job training) ng mga unang lingkod-bayan na inilagay ni BBM sa puwesto.

Inaasahan ng taumbayan, pati na ng mga botante, na papalitan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal na hindi maganda ang performance nitong mga nakaraang buwan.

Siyempre, ang gusto ng mamamayang Filipino ay laging “on the go” ang lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno dahil sa dami ng ating mabibigat na problema.

Alam ito ni Pangulong Marcos, kaya sorry na lang sa mga pabayang opisyal ng gobyerno.

Hindi natin masisisi si BBM kung papalitan niya ang mga “non-performing” government officials dahil ang kailangan natin ay mabigyang lunas ang ating mga problena.

Kung tutuusin, sobra na ang isang taon sa puwesto para ipakita ang kakayahang mamuno sa isang opisina.

Kaya huwag na tayong magtaka kung isa-isang palitan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal na walang maipakltang nagawa nitong nakaraang isang taon.

Hindi problema kung sino ang ipapalit ni Pangulong Marcos sa mga sisibaking lingkod bayan.

Maraming natalong kandidato noong nakaraang eleksyon ang deserving na maglingkod muli sa bayan.

Tama ba, Pangulong Marcos?

****

Kamakailan ay isang outbound parcel na naglalaman ng mga tarantula ang kinumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mga “nocturnal creatures,” ang mga tarantula ay mga malalaki at hairy na gagamba at may average life span na mula 15 hanggang 30 taon.

Ayon sa report, ang misdeclared na outbound parcel na naglalaman ng mga tarantula ay nakita sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Syudad ng Pasay.

Ang parcel ay ipinadala ng isang taga-Caloocan City sa isang recipient sa Seoul, South Korea sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (Philpost).

Binuksan ng mga otoridad ang parcel nang sabihin ng mga operator ng X-Ray Inspection Project (XIP) na ito ay “suspiciously containing illegal goods base sa “generated images.”

Ang parcel ay deklaradong naglalaman ng “Snack-Sweet Salted Fish,” ayon pa sa report.

Pero nang idaan ang parcel sa full examination ay nakita ang apat na tarantula na ibinigay naman kaagad sa Department of Environment and Natrural Resources “for safekeeping.”

“The parcel was examined in close coordination with the Enforcement and Security Service -Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) and DENR,” ayon sa BOC.

Lalong pinaigting ang ugnayan ng BOC at DENR para lang mapigilan ang wildlife smuggling.

Ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Marcos at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na patigilin ang pagpasok at paglabas ng lahat ng kontrabando sa bansa.

***

Kung saan-saan na nakakakumpiska ang mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ng mga puslit na imported na sigarilyo.

Maliban sa 8,200 reams ng sigarilyo na nakumpiska, isa ring Isuzu closed van ang natimbog ng mga otoridad sa isang checkpoint sa General Santos City .

Ang mga nakumpiskang sigarilyo at van ay nagkakahalaga ng mahigit na P4.4 milyon.

Ang anti-smuggling operation ay joint effort ng BOC enforcement at intelligence units, Army’s 603rd Brigade at 37th Infantry Battalion, at PNP regional maritime unit.

Kaagad namang nag-isyu si District Collector Pedro A. Francia IV ng warrant of seizure and detention laban sa mga nakumpiskang sigarilyo at van.

Ayon kay Collector Francia, ang mga kontrabando ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 10863 o Custroms Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang anti-smuggling drive ni Collector Francia ay aligned sa programa ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na labanan ang ismagling sa bansa.

Matatandaan na isa sa unang marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC ay ang paghabol sa mga ismagler, lalo na ang mga nagpaparating ng droga at produktong pang-agrikultura.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #09178624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

AUTHOR PROFILE