Tulfo

Mga opisyal ng Pangasinan todo-suporta kay Tulfo, Alyansa para sa Senado

April 27, 2025 People's Tonight 76 views

OPISYAL nang inanunsyo ng mga pangunahing lider ng Pangasinan ang kanilang buong suporta kay Erwin Tulfo at sa mga pambato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas para sa nalalapit na Halalan 2025.

Lalo pang lumalakas ang pwersa ng Alyansa matapos makuha ang matibay na suporta mula sa Pangasinan — isang “vote-rich” na lalawigan na mayroong 2.15 milyong rehistradong botante at nagtala ng mataas na 87.18% voter turnout noong 2022 elections.

Sa idinaos na sortie ng Alyansa sa Dagupan City, nagkaisa ang mga opisyal ng lalawigan sa kanilang pangako na ihahatid nila ang buong Alyansa slate tungo sa Senado.

Kabilang sa mga naghayag ng matatag na suporta sina Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, Vice Mayor Dean Bryan Kua, Pangasinan Fourth District Representative Toff De Venecia, at dating Congresswoman Gina de Venecia.

Itinuturing na malaking pampalakas ng kampanya ang pag-endorso ng Pangasinan, lalo na’t kamakailan lamang ay nagpaabot din ng solidong suporta kay Tulfo ang mga lider mula sa Pampanga at Quirino — dalawang lalawigang kilala rin sa dami ng kanilang botante.

Isa sa mga nangungunang kandidato sa pagka-Senador, prayoridad ni Tulfo ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, paglikha ng mas maraming trabaho at hanapbuhay, pagbibigay-dangal sa serbisyo ng mga Barangay officials at employees, at pagbibigay ng mas malaking suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.

AUTHOR PROFILE