Bong Go

Mga nasunugan sa Binondo tinulungan ni Bong Go

March 30, 2023 People's Tonight 1597 views

Bong GoPERSONAL na namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa insidente ng sunog sa Parola Compound, Binondo District sa Lungsod ng Maynila noong Marso 13.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na bahala siya sa kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong pamilya kaya ipinaalala niya na habang ang mga ari-arian ay maaaring palitan, ang buhay ng tao ay hindi.

“Kumusta po kayo mga kababayan ko? Sana po’y walang nasaktan. Dahil importante sa akin ang buhay ng bawat Pilipino, tandaan na ang gamit po’y nabibili. Ang pera po’y kikitain natin subalit ‘yung perang kikitain ay hindi nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever,” idiniin ni Go.

Idinaos sa Delpan Sports Complex, ang relief team ni Go ay namahagi ng mga grocery pack, bitamina, meryenda, at maska sa 113 apektadong pamilya. May mga piling indibidwal nanakatanggap ng mga bagong pares ng sapatos, cellular phone, bisikleta, at bola para sa basketball at volleyball.

Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development para makabangon ang mga nasunugan.

“Ngayong buwan ng Marso ay Fire Prevention Month. Kaya mga kababayan ko, mag-ingat kayo dahil bawat bahay na nasusunog, nadadamay po ang kapitbahay. Magtulungan lang tayo. Huwag ho kayong mawalan ng pag-asa,” ani Go.

Ang adbokasiya ni Go para sa kapakanan ng mga Pilipino ay higit pa sa partikular na insidenteng ito.

Binigyang-diin niya ang kanyang suporta sa pagsisikap ng gobyerno na magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilya sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19. Nag-sponsor din siya ng mga panukalang batas na naglalayong mapabuti ang access sa pangangalagang pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan, partikular para sa mga mahihirap.

Hinikayat ni Go ang mga nangangailangan ng pangangalagang medikal na humingi ng tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng alinman sa limang Malasakit Centers sa lungsod.

Isang ideya ni Go, ang programa ng Malasakit Centers ay isang one-stop shop na tumutulong sa mahihirap na pasyente sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot sa pamamagitan ng mga ahensya tulad ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang Malasakit Centers sa lungsod ay matatagpuan sa Tondo Medical Hospital, Philippine General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Hospital, at San Lazaro Hospital.

Mayroon nang 157 Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa mga nangangailangan.

“Nandirito lang po ako na handang tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya. Hindi po ako mangangako sa inyo na kaya kong gawin ito.

Pero, sisikapin ko po ang lahat. Sa abot ng aking makakaya ay nandirito lang po ako na handang magserbisyo sa inyo,” pagtatapos ni Go.

AUTHOR PROFILE