
Mga nasa likod ng maskara mahirap ang papel
TATLONG taon ding nagpahinga sa ere ang local franchise ng kakaibang celebrity face-off reality singing competition, ang “Masked Singer Pilipinas” which is co-produced by Viva TV and TV5 and airs on the Kapatid Network, ang TV5.
Simula ngayong May 17, Sunday at May 18, Sunday ay muling matutunghayan ang much-anticipated at kakaibang celebrity singing competition still hosted by singer, actor and host na si Billy Crawford with a new panel of judges na binubuo ng Concert Queen, ang singer-performer and concert producer na si Pops Fernandez, ang singer-songwriter, actor-comedian at host na si Janno Gibbs, ang singer and award-winning actress and entrepreneur na si Nadine Lustre and a young singer-songwriter, Viva Records’ recording artist and former celebrity contestant of “Masked Singer Pilipinas” na si Arthur Nery (who had a sold-out debut concert at the Araneta Coliseum last October 25, 2024).
Pare-parehong excited sina Billy, Pops, Janno, Nadine at Arthur sa ikatlong season ng “Masked Singer Pilipinas” which was locally adapted mula sa “King of Mask Singer” ng Munhwa Broadcasting Corporation in South Korea. Ang nasabing celebrity masked singing competition was jointly developed ng Cignal Entertainment at Sari-Sari Channel (ng Viva).
The exciting part ng “Masked Singer Pilipinas” ay walang idea ang host and panelists/judges at audience kung sinu-sino ang celebrities na nasa likod ng iba’t ibang contestants in mascot disguises hanggang sa isa-isa silang maga-unmask those who get the least votes mula sa judges and audience’s votes.
The judges’ and the audience will be given various clues as to the identity of the celebrity contestant na kadalasan iniiba ang kanilang boses maging ang songs na hindi identified sa kanila making it hard for the judges and the audiences to guess which is actually the exciting part.
Hindi madali ang maging isang celebrity contestant ng “Masked Singer Pilipinas” dahil maging sila and their respective families are not allowed to reveal their identities. Maging ang production people involved in the show have their lips sealed at walang puwedeng mag-leak habang ongoing ang programa.
Pops, Janno, Nadine and Athur admit that they’re having fun being part of the panel of judges ng “Masked Singer Pilipinas” specially with Janno in the group. Dahil sa mga jokes at `kalokohan’ ni Janno, napilitan sina Nadine at Arthur na mag-unmask laluna na si Arthur na maituturing na `man of few words’.
Samantala, malaking sakripisyo sa mga celebrity contestants ng “Masked Singer Pilipinas” dahil bukod sa kanilang pagiging discreet sa kanilang respective identities (they also don’t know each other as contestants), napakahirap sa kanila ang magsuot ng mascot costume for hours dahil sa init during the duration of the program.
Ramdam ng isa sa mga panel judges ngayon na si Arthur Nery ang nararamdaman ng mga celebrity contestants dahil pinagdaanan niya rin ito being a contestant himself nung second season last 2022 where he placed as 3rd runner up.
Ang singer na si Daryl Ong ang grand winner sa unang season ng “Masked Singer Pilipinas” as 2-2-B na sinundan ni Kris Lawrence sa 2nd season as Panda.
Bagong may-ari ng Miss Universe franchise maraming binagong rules
SA araw na ito ng Biyernes, May 2, 2025 gaganapin ang grand coronation night ng 2025 Miss Universe Philippines na gaganapin sa SM MOA Arena kung saan 66 beauty candidates ang maglalaban-laban na siyang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2025 Miss Universe pageant na gaganapin in Thailand on November 21, 2025.
Marami nang mga pagbabago sa rules and regulations ng Miss Universe pageant kung saan ay puwede nang sumali ang mga may anak at lagpas ang edad sa 30 maging transwomen.
In earlier time, 18 to 28 years old lamang ang puwedeng sumali at kailangan itong single at wala pang anak. Pero magmula nang mapunta ang ownership ng franchise sa isa sa richest transgenders in the world na si Jakkaphong `Anne’ Jakrajutatip, marami itong in-implement na mga pagbabago sa Miss Universe.
Isa sa 66 candidates ng Miss Universe Philippines ay ang kauna-unahang Reina Hispanoamericana (2017) na si Teresita Ssen Marquez o mas kilala in showbiz as Winwyn Marquez (who is turning 33 ngayong May 4). She and another contestant (from Liliw, Laguna) na si Pauline Rowbelle del Mundo ang maituturing na oldest among the candidates.
Winwyn who is the daughter of former couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno has a three-year-old daughter na si Luna sa kanyang non-showbiz fiancé na si Rayn.
In one of the preliminaries ng Miss Universe Philippines na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ay si Winwyn na ang tinanghal na Miss ZION Philippines 2025. Masundan pa kaya ito ng iba pang panalo including the most coveted title and crown?
Ang 2025 Miss Universe Philippines ay first time na pimumunuan ng 2013 Miss Universe Philippines at Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella Arida matapos mag-resign sa organization ang dating National Director ng Miss Universe Philippines, ang 2011 Bb. Pilipinas-Universe and 3rd runner-up sa Miss Universe na ginanap sa Sao Paulo, Brazil na si Shamcey Supsup-Lee. She was the national director of MUP since 2019.
Angelica kinabahan sa muling pagbabalik-showbiz
HINDI ikinakaila ng 38-year-old Kapamilya star na si Angelica Panganiban na kinabahan umano siya sa muli niyang pagharap sa camera after almost 4 years in hiatus para harapin ang kanyang family life at pagiging first time mom sa kanyang almost three-year-old daughter na si Amila Sabine.
Ang kanyang huling TV series ay nung 2021 sa pamamagitan ng “Walang Hanggang Paalam” na sinundan ng “The Kangks Show” at “The Goodbye Girl” in 2022.
Sa kanyang ilang taong pahinga ay hinarap niya ang kanyang pagiging misis sa kanyang businessman husband na si Gregg Homan at pagiging ina sa kanilang first child na si Amila na ngayon pa lamang ay kinakikitaan na ng pagiging `showbiz’ person just like her.
Si Angelica ay nagbabalik sa pamamagitan ng returning popular drama anthology hosted by Charo Santos-Concio, ang “Maalaala Mo Kaya” o MMK for its 2nd episode featuring the lifestory ni BINI Sheena where she plays the role of the mother ni BINI Sheena.
Senyales na nga kaya ito sa pagiging aktibong muli sa showbiz ni Angelica ngayong magti-three years old na ang kanyang daughter na si Amila?
Kung tutuusin, hindi gaanong na-miss ni Angelika ang acting and her showbiz career dahil sobra siyang nagi-enjoy sa kanyang domestic life at sa sarili nilang vlog ng kanyang husband na si Greg, ang “The Homans” na meron nang 805K subscribers. She also gets to see her close showbiz friends kaya parang hindi rin siya nawala sa showbiz.
Emilio at Michael nagpapasalamat sa PBB
MALAKI talaga ang naitutulong ng talent reality show na “Pinoy Big Brother” dahil nakikilala nang husto ng mga televiewers at netizens ang mga housemates tulad na lamang ng tumatakbong “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” kung saan pairs from ABS-CBN at GMA talents ang mga kalahok. Tulad na lamang ng recent evictees na sina Michael Sager ng (GMA) at Emilio Daez ng Star Magic ng ABS-CBN.
Thankful pareho sina Emilio at Michael sa kanilang journey sa loob ng PBB house at sa kanilang muling paglabas sa outside world ay hindi ikinakaila ng dalawa na marami umano silang natutunan while they were inside the PBB house.
Sa paglabas ni Emilio sa PBB house, Kapuso actor-host Mikael Daez’ younger brother ay meron kaagad 8-part iWant TFC series, ang “Love at First Spike” na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan (June).
Aminado si Emilio (an investment banker bago nag-showbiz) na malaking tulong umano ang kanyang kapatid na si Mikael at sister-in-law na si Megan Young na siya niyang strong supporter sa kanyang pagpasok sa industriya. Bukod sa suporta ng mag-asawa, marami ring advise sa kanya ng kanyang elder brother.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.