
Mga Kapampangan niligawan ng mga senatorial bet ng Alyansa
INENDORSO ni Senador Lito Lapid ang mga senatorial bet ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa apat na venues sa Pampanga noong araw ng Miyerkoles, April 24.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na prayoridad nyang isulong sa senado ang agri-tourism, medical tourism at eco-tourism sa buong bansa para magkaroon ng pagkain sa mesa at makalikha ng trabaho, oportunidad at kita sa bawat pamilyang Pilipino.
Kasunod nito, ipinahayag nina Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice-Governor Lilia “Baby” Pineda ang buong suporta kay Senador Lapid at iba pang senatorial bets ng Marcos administration sa proclamation rally.
Kabilang sa mga dumalo sa rally sina Senador Pia Cayetano, Senador Francis Tolentino, Senador Bong Revilla, Jr. Cong. Erwin Tulfo, Cong. Camille Villar, Former DILG Sec. Benhur Abalos, Makati Mayor Aby Binay at Former Senator Manny Pacquiao at Tito Sotto III.
Hindi naman nakarating si dating Sen. Ping Lacson sa nasabing rallies dahil sa masamang pakiramdam.